Tuesday, June 06, 2006

Ako si Hasson

hi ako si hasson marque di donato...hehehe, sosyal ang pangalan, mala european hehehe...(totoo naman eh kasi sa italy ang roots namin at ang lola ko ay may spanish blood so susumahin natin, im a filipino-italian-spanish). bente anyos na po ako, tagadito sa las vegas pero taga bansang pilipinas na nasa bandang silangang bahagi ng asya...sinakop dati ng mga kastila..(napunta nasa pilipinas ang blog ko na to eh dapat self ko ang topic dito!) three months palang ako dito sa america, ang bayan ng gatas at pulot pukyutan (land of milk and honey)...nasa california ako ng one month eh pero dahil sa boring na boring na ako doon at di man lang ako makapasyal eh naisipan kong mangibang state...sa siyudad ng mga kasalanan, the sin city of las vegas...spring ngayon dito...mainit...

may 1 ng ako'y nakarating dito sa las vegas (the meadows/latin translation)...wow, ang mga lugar na sa postcard, internet at media ko lang nakikita eh, nasa harapan ko na...ang thomas and mack center na nakita ko lang nung nakipagharbatan si pacquiao eh ayun, nasa harap ako at parang may hangin na bumubulong sa akin.."hasson, punta ka dun..makipagboxing ka rin!"

march 27 nga pala ako nakaapak dito sa amerika, hinding hindi ko yun makakalimutan..kayo huwag niyo ding kalimutan...

nung may 8 pala..graduation namin diyan sa Pilipinas..sa napakaprestihiyosong kolehiyo (di ko mareach) ng AMA..lugi na nga daw to eh...sa baguio daw ginanap..sayang andun sana ako pero kailangang nating tanggapin na nasa amerika na tayo..wala na tayong magagawa eh..(yabang?!)..ano kayang nangyari sa graduation na yun..balita ko eh, ang dami ko daw awards dun..medals, diplomas, throphys <--tama ba ang spelling, ribbons, gift certificates, free groceries, fre ringtones at free unlimited call to mars...serious na pero dream ko talaga ang makagraduate with matching toga...graduate naman na talaga ako di nga lang maka-attend dahil nga nandito na ako sa US..ang kulit!
anyway, yan muna masasabi ko..thanks sa pagbasa ha...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home