Saturday, June 24, 2006

What's Left Of Me

Watch my life pass me by
in the rearview mirror
Pictures frozen in time
are becoming clearer
I don't wanna waste another day
Stuck in the shadow of my mistakes
yeah

'cause I want you
and I feel you
crawling underneath my skin
like a hunger
like a burning
to find the place I've never been
now I'm broken
and I'm fading
I'm half the man I thought I would be
But you can have
What's left of me

I've been dying inside
Little by little
Nowhere to go
But goin' out of my mind
In endless circles
runnin' from myself until
You gave me a reason for standing still

And I want you
and I feel you
crawling underneath my skin
like a hunger
like a burning
to find the place I've never been
now I'm broken
and I'm fading
I'm half the man I thought I would be
But you can have
What's left of me

Falling faster
Barely breathing
Give me somethin' to believe in
Tell me it's not all in my head

Take what's left of this man
Make me whole once again

'cause I want you
and I feel you
crawling underneath my skin
like a hunger
like a burning
to find the place I've never been
now I'm broken
and I'm fading
I'm half the man I thought I would be
You can have
All there's left
Yeah, yeah, yeah
What's left of me

I've been dying inside you see
I'm going out of my mind
Out of my mind
I'm just runnin' in circles all the time
Will you take what's left
Will you take what's left
Will you take what's left
Of me
Just runnin' in circles IN MY MIND
Will you take what's left
Will you take what's left
Will you take what's left
Take what's left of me

Tuesday, June 13, 2006

Sosyal Tayo Eh!

here are the correct pronounciation of branded names:
CLARINS - kla-rans
BEBE - bi-bi
MEXX - meks
CLINIQUE - kli-nik
CARTIER - kar-ti-yey
GUY LAROCHE- gi-larosh
TAg HEUER - tag ho-yer
GIRBAUD - jeer-bow
VESACE - Ver-sah-cheh
MARITHE & FRANCOIS GIRBAUD - Ma-ree-tehy Fran-swa Jer-bow
LOUIS VUITTON - Lu-wee Vee-towh
HERMES - Eeyer-mes
ERMENEGILDO ZEGNA - Erme-ne-ildo Zenya
GIVENCHY - ji-vang-shi
YVES SAINT LAURENT - eeves san (a's intonation going down) lauran (last a's pronounced with mouth doing an "o" sound) - Ralph Lauren - Ralph Lauren (coz some people pronounce it as "lauran")
DOLCE & GABBANA - Dol-tshe & Gabbana
CHRISTIAN DIOR - krestyaa´ de-or
ESPRIT - es-pree
J'ADORE - zshador
ROLEX - lolek

Thursday, June 08, 2006

Dahil Ikaw

Sa piling ba niya ikaw ay
May lungkot na nararamdaman
Damdamin mo ba’y hindi maintindihan
At sa tuwing ako ang
Nasa iyong isipan
May nakita ka ba na ibang kasiyahan

Nandito lang ako
Naghihintay sa iyo
Na mapansin ang aking damdamin
Na para lang sa iyo

Dahil ikaw ang sigaw ng puso ko
Ikaw ang nasa isip ko
Ang nais ko ay malaman mo
Na ikaw ang tanging pangarap ng buhay
Pag-ibig ko sa iyo ibibigay
Nais ko ay malaman mo
Na mahal kita
Sa piling ba niya ikaw ay
May sakit na nararamdaman
Damdamin mo ba ay sinasaktan
At sa tuwing ako ang
Nasa iyong panaginip
Na tayong dalawa’y masayang magkapiling

Sana’y pagbigyan ang nadaramang ito
Sana masabi mo na mahal mo rin ako

Dahil ikaw ang sigaw ng puso ko
Ikaw ang nasa isip ko
Ang nais ko ay malaman mo
Na ikaw ang tanging pangarap ng buhay
Pag-ibig ko sa iyo ibibigay
Nais ko ay malaman mo
Na mahal kita (ikaw ang sigaw ng puso)
Na mahal kita (ikaw ang nasa isip ko)

Fatima: ang frend kong beauty queen



yan ang frend kong si Glena Fatima Cabilatazan...ang beauty queen ng barkada..this beautiful lad is my classmate and friend since elementary...napakaganda ng babaeng to at beauty queen na beauty queen ang dating. lagi namin siyang muse sa klase.
then nung high school...magkaklase na naman kami...first year, she represent GREECE in Mss. United Nations...then Miss Inqenuity (fashion show, showcasing ladies wearing indigenious materials) nung fourth year...then nalaman ko na lang na she joins Ms. Agoo nung 2003 but she don't make it... she joins again last 2005 and you know what, she got the title..she won Ms. Agoo 2005...last March 2006, the annual search for Mutya ng La Union was held...and Fatima did it again...nanalo ulit siya...but sa Ms. Earth-Philippines 2006 last May 14 where she represent Ilocos region..di na siya nakuha...sayang, isa pa naman siya sa pinakamaganda at talented..look at her picture naman...nakita ko sa website ang nanalo eh, di naman maganda...sa totoo lang (ano, nakita niyo ba?! ang layo ng mukha kay glena diba?)...sorry, private thoughts ko po ito...wala po sanang magagalit..totoo naman kasi ang sinasabi ko..bulag yata ang mga judges..

fatima, sali ka na lang Bb. Pilipinas next year...who knows, baka it will be your year...sana maging beauty queen ka hindi lang sa pilipinas, but globally!

Epal ang PAL!



napakamemorable ng flight ko nung march 27, 2006 sa PAL...as in nakaka-epal (nakakabanas, nakaka-badtrip) as in bad ang trip...paano ba naman kasi, ang init sa loob ng plane...pinagpapawisan na nga ang noo ko. tinitipid nila ang aircon. ewan ko kung ganun din sa first class at mabuhay class..nasa economy class (fiesta class/kala ko may ati-atihan na magsasayaw sa loob kasi fiesta, hehehe!) kasi ako...eh, ba't pa ako magfifirstclass, 12 hours lang naman ang biyahe ko...PAL 104 pala ang fleet ko at nasa 89k seat..sa window seat ang pinili ko para makita ko ang mga ulap at mga ibon na lumilipad hehehe! sa totoo lang, buong flight na hindi nawalan ng sweat ang forehead ko...the service is good naman pero doon ako nainis...kung nagKorean Air siguro ako baka nakasakay ko pa si Song Hye Kyo (Jenny of Endless Love/Autumn In My Heart)...ang sikip pa ng upuan, three chairs in a row pala...mabuti na lang at di ako naboring kasi madaldal ang katabi kong seaman...nakipagkuwentuhan sa akin...

mga 9:45pm na kami pinasakay kasi the flight will be on 10:30pm...ang hirap hanapin ng upuan ko, ang layo-layo...then medyo nalate pa ng 15 minutes abg paglipad dahil one passenger needs medical condition..sabi ko nga sa sarili ko, ang tagal namang lumipad, excited na ako! dinner was served agad nung nasa himpapawid na kami..hehehe! sir, chicken or beef, i choose beef...

ayos naman, masarap..kinain ko kaagad kasi gutom na gutom na talaga ako nun...6:30 kasi nagcheck-in na ako...then after, balak kong matulog pero kuwento kasi ng kuwento katabi ko...pero nakatulog din ako...nagbreakfast kami nung nasa baba na kami ng Hawaiian islands...yeah, nakita ko ang Hawaii from the top...umaga na nun eh, rays nga ng sun eh nakatutok na sa akin...sir, sausage or adobong bangus?

adobong bangus ang pinili ko..sounds new eh..un pala, daing na bangus yun..hindi lang dried, pinasosyal lang ang tawag, hehehe! pero masarap, sa totoo lang...typical pinoy breakfast talaga with scrambled egg...pero mainit pa rin talaga ang plane, lumamig lang nung nasa mataas na talaga kami..dahil sa mga ulap siguro...

6:32pm, March 27 pa rin, US Pacific time kami dumating kami sa San Fraicisco airport..malakas ang ulan..bumaba na din kami agad...

yan ang PAL flight experience ko...

Wednesday, June 07, 2006

Charm's First Call

4:30:52pm (ayaw ko to, mga numero) tumawag sa akin si Charm. unang tawag niya sa akin here in US. nasa labas ako kanina, nasa laundry room. one minute lang yata ang tawag niya. charm, thank you sa call ha. i appreciate it (iyak na naman tayo!). alam niyo, grabe ang init ngayon dito sa las vegas..106 degrees (ayaw ko na naman to) nga daw. everytime na lalabas ako..im getting my eyes tired. i dunno why...mahina yata ang mata ko sa init..oh my, baka i'm having cataract na, hehehe! di naman, allergy lang siguro..masakit sa mata kasi ang mga pollens ng trees dito eh..nakakapagod pa ang init dito..nakakaheat stroke..mabuti na lang america to...kung saudi to, hindi ako mahihilo sa init, mahihilo ako sa "amoy' ng mga arabo, hehehe!

anyway, when i got home..charm called me again..3 minutes lang yata..sabi niya namimiss niya daw tawag ko..sorry ha, di ako makabili ng prepaid cards dito, sa pinoy mart marami niyon eh...may kadayaan naman mga yon...sasabihin, you have 51 minutes to call..tapos you will end up 30 minutes..ang pucha, pinoy yata gumagawa ng cards na yun eh..basta pinoy, wala ako tiwala talaga...

nasa agoo pala si charm ngayon, one month na yata siya dun ha...may work na kaya yun..TFC dito eh naghahanap ng mga hosts pero US resident ang gusto nila...fyi, ang besfren ko na yan eh graduated with beacon, suma cum laude yata...grabe, i can't believe that she made it...napakaloko nung high school kasi niyan eh..halla, binubuking ko na siya...hehehe! blogger have all the rights eh...puwedeng akong magkuwento dito ng kahit ano...pero huwag na nga, baka magalit pa yang si bea alonzo or kc montero..kc concepcion pala...


Me & Ken!


Charm & Andrea (kilig ako! oi charm, zipped your mouth)

...just woke up..first thing to do...check my emails...why not? naka wi-fi ako at alam niyo ba na nakakanakaw ako ng connection sa kapitbahay kong chinese next door..kaya heto, 24/7 akong nakainternet, hehehe! anyway, heto lagi ang ginagawa ko early in the morning...ito na ang pinakabreakfast ko...nagpapalipas ako ng gutom sa harap nitong notebook ko para pumayat-payat naman tayo..chubby ako dati diyan sa PI diba?! ngayon, nagkakafigure na...nagbubuhat ako ng 25 pounds dumb bells, hehehe! mahirap tumaba dito sa US eh, ang dami kasing tempting foods....at saka kahit saang bahay ka magpunta eh, pakakainin ka talaga...

june na pala diyan sa atin...oh my, remember ko na naman ang hazzles ng mga students na pumapasok gaya ko before...parang ayaw ko ng maalala yun...umuulan, nakapayong ka, sasakay ka ng triciycle na kahit balot na ng mga plastics eh mababasa ka pa rin, dagdag pa diyan ang mga kalawang na kailangan mong iwasan...same with the public buses din na pag ganyang umuulan eh, sakay ng sakay ng pasahero hanggang mag mukha kayong sardinas sa loob at makakaamoy ka pa ng iba't-ibang klase ng pabango...may johnson and johnson baby cologne, may amoy baby powder, may amoy ng di naligo, may amoy sigarilyo, may amoy ng nabulok na bunganga (hindi na ngipin ang bulok), at dagdag pa diyan ang putok...eeooowww! i don't wanna remember those things...

Tuesday, June 06, 2006

Roaming ko..mawawala na!

...wala na palang load ang pinakamamahal kong Globe sim na nakaroaming kaya baka mawalan na ako ng signal...anyway, sa lahat ng mga nagtetext sakin lalo na kay charm, ronillo, mae anne (na grinit ko nung bday niya at di man lang nagthank you), carla, raissa, carlo, maam morion, ke markus01, jose, glena, jinky...thank you ng marami...di na ako magroroaming eh...email na lang tayo sa frenster, yahoo..or tawagan ko na lang kayo...

sa pinakamamahal kong Globe SIM...loyal na loyal ako sa SIM ko na yan...ewan ko kung saan museum kita ilalagay...four years na kitang kasa-kasama..kahit ano pang pang-uuto ng Smart eh hindi kita pinagpalit at kahit nag-unlimited call na ang Sun...don't worry, itatago kita..for my generations to come eh, pagmamalaki ko...ang korny ko!

My First Road Drive

haay, just got home..ang init dito sa vegas talaga ngayon...tinuruan ako kanina ng sis ko na magdrive sa henderson...medyo ayos naman...medyo nagkamali kanina hehehe! nasobrahan ko lang ang pagrelease sa gas hehehe! dito pala sa US eh, tuturuan ka lang magdrive kailangan mo pa ng permit..di gaya diyan satin..puro madalian...kahit di ka marunong magdrive eh magkakapermit ka..nag-exam pa ako dito para lang makakuha ng permit..three times ko ngang kinuha ang exam kasi di ako makapasapasa..sa computer pa ang exam at touch screen pa...hehehe! practice lang naman ang ginagawa ko ngayon eh kasi nagdriving lesson na ako sa PI...kaya hasa-hasa na lang..hehehe!

dahil sa init eh, naghalohalo (halo-halo is 'hodgepodge' in english) kaya sabi ko kanina, "Can i have two hodge podge please."...sosyal! sa PinoyPinay Restaurant kami kumain..3 dollars ang halo-halo dito..150 pesos na yun satin ..hehehe (nagconvert na naman ako!)..masarap din naman..may ube ice cream on top..tapos color green ang pinipig...

yun lang kuwento ulit ako next time...

Two months and counting...

Two months and counting...

march 27, april 27,may 27...two months na ako dito sa US...ano bang namimiss ko? pinoy foods? maybe, marami naman na kasing filipino market dito...nagulat nga ako, alam niyo ba pati bilo-bilo (tambotambong) dito eh meron..huwag ka dahil bilog na siya at frozen...ano kayang lasa nun?! namimiss ko ang taho..namimiss ko ang dinuguan (chocolate stew), namimiss ko ang dried fishes...namimiss ko ang fishball sa tabi-tabi..namimiss ko ang palamig..namimiss ko ang mangga na may alamang..namimiss ko lahat-lahat...yeah, may pinoy foods nga dito pero mas masarap kumain kung ang environment mo eh diyan satin...iba ang pakiramdam eh...

namimiss ko na pala ang mga korean dramas...hook na hook ako sa mga yun...paalis ako diyan eh Spring Day at Princess Lulu ang pinapanood ko...di ko alam kung anu nangyari dun...wala kasi sa TFC..ang pangit ng TFC..nirereplay ang mga shows, dapat huwag na lang at ipalabas ang mga korean...

natuto na akong maglaba machine wash...grabe, dati diko alam ang mga yun kahit mamalantsa...isang damit lang eh, it took me 3 hours to finish it..hehehe...baka sabihin niyo ang yabang ko eh kaya nga nauso ang blog sites eh para ilabas ng isang tao ang nasa saloobin niya..halla, nang away na ako...

pasensiya na ah, wala kasi akong magawa ngayon eh...ang init lumabas ngayon dito, 106 degrees daw ngayon eh kaya mainit dito..sige na...12:25pm na...lunch na...

Nang-iinggit sila



frends ko sa high school, nang-iinggit...alam niyo ba..aba, reunion sila ng reunion...pumunta sila ng villa remyxia...di man lang ako sinama hehehe! nakita ko sa frenster mga pics niyo ha...how was it guys? masaya ba? mas masaya yata pag nandiyan ako...pasensya na kung di ako nakatawag kasi wala akong prepaid card on that time...balita ko, pumunta pa daw kayo ng leisure coast, kakainis tong si carlo..nung nasa PI pa ako, walang planong ganun..ngayong nandito na ako halos every weekends eh..may lakad sila...balak pa daw nilang maghundred islands..grabe, nang-iinggit talaga sila hehehe! anyway miss ko na kayong lahat...sa inyo ka makita ang tunay na kahulugan ng kaibigan (dear ate charo, episode "Klasrum")...camellia talaga nakakamiss...close na close lahat tayo..lalo na sa kopyahan...naku di tayo pahuhuli...sobra ang gawain natin dati..di matatawaran..pang GUINESS... kanya-kanyang diskarte...naalala ko sa Araling Panlipunan, bago tayo magquiz eh may sagot na tayo..alam kaya to ni maam calonge?!hehehe..tapos sa math, apo..isa ako sa pinagpapawisan ng malagkit pag yun na ang exam...buti na lng maraming grasya sa paligid...

ang dami kong memories nung hischool na hindi matatawaran ng history ni Hitler, discovery of America, at pagkamatay ni Princess Diana...napakasaya dati...punong-puno ko ng kalokohan lalo na pag kasama ko ang bestfriend ko (ewan ko kung bestfriend din niya ako) na si Charmeria Fatima Abuan Baslan...ang dami naming kalokohan niyan na kami lang dalawa ang nakakaintindi...grabe, mabuti nakilala ko ang babaeng to...parehong-pareho kami ng ugali...naalala ko pa ang pinapagawa ko sa kanya na pinapaupo ko siya sa sahig at gagawin kong clown...syet, nilalabas ko na ang mga secrets namin...basta, ang sarap kasing irefresh sa isip ang mga yun...hanggang ngayon eh, may communications pa rin kami ng mga niyan..ito nga pala ang least ng mga hiskul frends kong malapit sa esophagus ko...heart pala...
CHARM: my bestfriend in crime
JOSE: family man na ngayon, hinay-hinay lang..padalhan kita ng trojan...ano bang size mo!hehehe!
FATIMA: Miss universe kong frend. beauty queen...
GENER: nagturo ng kalokohan at math sakin...
SIERRA: black beauty...
CARLO: ang daming pera, nanglilibre lagi...
ANDREA, SIERRA, RAISSA, CARLA, ESTEE, JENNEDY, JACKIE, RUTH, GRETCHEN, NOEL MILAN, EDIL (nasa US), KRISTEL,MACON,MAE ANNE, MARILOU...etc.maraming marami pa...

Paramdam naman kayo



hay naku, mga frens ko sa PI, di man lang sila magtext.. sabi ko na nga noong despidida ko eh nakaroaming ako pero di man lang sila magtext...hindi ko na tuloy kayo namimiss sa totoo lang, hehehe! joke lang...kayo pa...
makaconfess nga:
ikaw KEN, lagi kong narereceive..ken is online now, send her fucking messages...sa cp ko..pero di mo man lang kumustahin..kakainis ka na ha...balita ko eh nagwowork ka sa ortigas...manager ka na nga daw eh...aba, malayo na ang narating...btw, miss ko na si ikaw..lalo na ang..punye___ ma__je__ yan hehehe! miss ko na talaga ang mga yun...miss ko na mga ginagawa natin sa AMAng bulok na yan dati like, di tayo papasok, lalo na pag gabi ang klase..kakatuwa! ikaw JACKIE at JINKY..miss na miss ko na rin kayo...mas lalo kaming naging close ni jackie nung college na..puro na tayo kalokohan..remember ko pa nung first yr tayo eh, kunwari tayong pakabait na hindi nangongopya pero nung second year na e..halla, dating gawi nung high school pa tayo..si JINKY kasi ang pasimuno sa kalokohan na yan...grabe tayo lalo na ikaw..pasimuno sa mga hindi pagpasok at may sarli pa tayong schedule ng hindi pagpasok...pag exam..request tayo sa teacher ng sked..pinagmemerge natin ang 3 days exam sa 1 day exam para lang hindi makapasok...sobra tayo noon...naalala ko pa, may isa tayong subject na hindi man lang natin pinasukan buong sem pero nakapasa pa rin..grabe ang AMA, d best talaga! uy JINKY, miss ko na ang kalokohan mo..mga jokes mo at mukha mong hindi naman nagpapatawa eh nakakatawa pa rin..hinding-hindi ko talaga makakalimutan ang nasearch mo sa internet na bulkan..hanggang ngayon eh pag naiisip ko yun..tawa ako ng tawa....uy MARLOUIE, miss na rin kita..musta ka na? shopping ka daw yata ng shopping sa SM baguio..punta ka sa SM Asia, mas maganda hehehe! basta miss ko na ang lahat nung college..you know who you are..hope all of us guys will be successfull...see you in five years hehehe! love u all..

Ako si Hasson

hi ako si hasson marque di donato...hehehe, sosyal ang pangalan, mala european hehehe...(totoo naman eh kasi sa italy ang roots namin at ang lola ko ay may spanish blood so susumahin natin, im a filipino-italian-spanish). bente anyos na po ako, tagadito sa las vegas pero taga bansang pilipinas na nasa bandang silangang bahagi ng asya...sinakop dati ng mga kastila..(napunta nasa pilipinas ang blog ko na to eh dapat self ko ang topic dito!) three months palang ako dito sa america, ang bayan ng gatas at pulot pukyutan (land of milk and honey)...nasa california ako ng one month eh pero dahil sa boring na boring na ako doon at di man lang ako makapasyal eh naisipan kong mangibang state...sa siyudad ng mga kasalanan, the sin city of las vegas...spring ngayon dito...mainit...

may 1 ng ako'y nakarating dito sa las vegas (the meadows/latin translation)...wow, ang mga lugar na sa postcard, internet at media ko lang nakikita eh, nasa harapan ko na...ang thomas and mack center na nakita ko lang nung nakipagharbatan si pacquiao eh ayun, nasa harap ako at parang may hangin na bumubulong sa akin.."hasson, punta ka dun..makipagboxing ka rin!"

march 27 nga pala ako nakaapak dito sa amerika, hinding hindi ko yun makakalimutan..kayo huwag niyo ding kalimutan...

nung may 8 pala..graduation namin diyan sa Pilipinas..sa napakaprestihiyosong kolehiyo (di ko mareach) ng AMA..lugi na nga daw to eh...sa baguio daw ginanap..sayang andun sana ako pero kailangang nating tanggapin na nasa amerika na tayo..wala na tayong magagawa eh..(yabang?!)..ano kayang nangyari sa graduation na yun..balita ko eh, ang dami ko daw awards dun..medals, diplomas, throphys <--tama ba ang spelling, ribbons, gift certificates, free groceries, fre ringtones at free unlimited call to mars...serious na pero dream ko talaga ang makagraduate with matching toga...graduate naman na talaga ako di nga lang maka-attend dahil nga nandito na ako sa US..ang kulit!
anyway, yan muna masasabi ko..thanks sa pagbasa ha...