Tuesday, November 07, 2006

Wala ko maisip na title!

hi, musta na mga avid readres ko? nakakasingit pa rin ako sa blog ko pero expect niyo starting tommorrow, wala na talaga ako. hindi niyo muna ako makikita. hindi niyo muna mababasa ang mga walang kakuwenta-kuwentang mga pinagsasabi ko dito. kinakabahan na nga ako para bukas. parang bang, its a matter of life and death..aba, ano kaya yon?!! hindi ko alam ang magiging kapalaran ko dun. siguro napapaisip na kayo kung saan ako pupunta. hindi ko muna sasabihin. basta para may suspense diba, parang texas chainsaw massacre: the beginning. pero hindi naman horror ang mangyayari sa akin, top gun nga eh. baka iniisip niyo na, na ako ang killer sa texas massacre na 'yon. hindi ko naman kaya 'yon noh?! at saka hindi naman ganun ang hitsura. ang pangit naman nun. malayong-malayo sa kaguapuhan ko, hahahaha! pang superman ako, mala brandon...basta, i forgot his surname!










ah, routh pala. yon pala ang surname ko este surname niya.

Saturday, November 04, 2006

Back here in San Francisco

hey, musta mga tol? heto ako, nakakasingit pa rin sa mundo ng sapot. actually, sa november 7 talaga ang temporary leave ko sa internet.

nandito pala ako ngayon sa california, san francisco to be exact or daly city yata dito, ewan ko. balik ako sa lugar kung saan una kong nakita ang america. ayoko na ngang bumalik dito kasi marami nagpapaalala sa akin. lalo na kagabi, nasa ranch 99 market ako sa daly city. hay naku, naalala ko, bumibili kami doon kasama ko ang papa ko at ang ASAWA niyang demonya, bwisit yun hindi pa lang mamatay!
napakaplastik...saksakan ng pagpapanggap. novena ng novena sa simbahan at dasal ng dasal, diyablo naman. sunog na sunog na ang kaluluwa niya sa impyerno, apog na nga lang eh!
whew, ang lamig dito sa sanfo. ang kapal ng fog, parang usok. parang may isang daang nagluluto ng bibingka sa part na 'to ng america. balik ako sa hilly side na 'to ng sanfo. sanay na ako sa straight plain ng las vegas. namimiss ko ang las vegas. gusto kong bumalik at magcasino hahahaha!

Wednesday, November 01, 2006

Hasson Marque...now signing off!

halla, wala na! wala ng atrasan 'to. mag-aabsent ako for awhile sa mundo ng sapot. syet mga tol, mamimiss ko kayo. ako, sigurado mamimiss niyo rin ako? ano ba kasi itong papasukin ko? baka hindi kayanin ng powers ko!!! bahala na. tignan na lang natin kung makauwi ako ng buhay hahahaha!

o, sige mga tol. hanggang dito na lang talaga tayo. babalikan ko kayong lahat next year. sana magkita-kita ulit tayo!