Monday, October 30, 2006

Umurong

kahapon at 2am, start na naman ng daylight saving time. uurong ng isang oras ang oras (ano ba yon!). so habang tinatype ko 'to ngayon at 3:03pm ngayon, dapat 4:03pm na. wala ako idea kung bakit nauso 'to. bakit kaya?

dahil first time sa buhay ko ang daylight saving time.....(hindi pala kasi inuso rin 'to ni cory aquino noong kapanahunan niya!), may mga tanong na pumasok sa utak ko at hanggang ngayon ay naglalaro pa rin sa aking matalinong isipan, tagu-taguan nga nilalaro nila, mamaya, patintero daw.

1. umurong din kaya ng isang oras ang buhay natin? so kung mamatay ka sana sa oras ng 5:00am (heart attack?) ngayon pero naabutan mo ang daylight saving time at 4:00am yon. naku, kung may plano kang manood ng porno, gawin mo na ng maaga. paano kaya ang may taning na ang buhay at sabihin sayong 3pm ka mamamatay pero magiging 2pm yon? sinong pakakasalanan natin, ang doktor o ang daylight saving time? siyempre may isang oras ka pa tapos may schedule ka dun pero hindi mo na nagawa...sayang?

2. sa mga night shift ang trabaho, babayaran kaya ng kompanya ang isang oras mo. naku, sayang din ang isang oras ha! kung $20/per hour ka, tatlong box na ng krispy kreme yon.

3. sa mga late night shows, til 2am ang show mo at pagdating ng 2am, balik sa 1am ang show mo. irererun kaya ang show mo?! paano pag live at nakalimutang itape..ipaulit kaya sa'yo. eh kung live show yun? lalo na kung live talk show, habulin mo na ang mga guest mong pauwi na at ulitin ang interview at kuwentuhan.

4. for an instance, may date kayo ng gf mo, kunwari anniversary. usapan niyo dinnertime, mga 8pm siguro. nakalimutan mong daylight saving time na at 9pm ka dumating. pagdating mo sa restaurant, namumuti na ang mata ng gf mo, bigla kang sinampal, inaway, pinagsalitahan ng masasakit at namutawi sa kanyang mapupulang bibig (nakalipstick ng shu uemura) ang mga katagang nagpalumo sa iyong katauhan, "break na tayo, futanesca ka!" sus, pakasalanan mo na ang daylight saving time!

yan ang mga mga katanungang naglalaro pa rin (piko naman ngayon ang nilalaro nila, turn na ni cerebrum) sa aking super talinong isipan. kayo, may isheshare ba kayo at kung bakit naimbento ang daylight saving time?

PAHABOL:
sa mga bumabasa nito ngayon, pagpasensyahan niyo na kung tama ako sa aking mga theory. kahit ako nalito sa mga sinasabi ko.

5 Comments:

At 10:49 AM, Anonymous Rob said...

nabasa ko nga to kahapon dun sa isang forums. ang weird nga... next year meron ulet... taon taon yan diba?

 
At 10:59 AM, Blogger Hasson Marque said...

oo, taon-taon....every march yata ibabalik ulit!

 
At 12:36 PM, Blogger Billycoy said...

buti wala yan sa 'Pinas, di ko kasi siya ma-gets...

sa mga industrialized countries lang pala effective yan, pero di kasama ang japan at India

 
At 3:22 PM, Blogger Hasson Marque said...

billycoy, third world pa rin ang india...

nung panahon ni cory, may daylight saving time rin tayo...siguro industrialized tayo noon kaya meron tayo hehehe!

 
At 11:02 PM, Blogger Pedro said...

Hi Jason, naaalala ko pa yung kay Cory nun. Okay lang naman, for me okay lang talaga. Kasi, sayang nga naman yung liwanag kung meron na very early in the morning di'ba? And 'yung matitira pang liwanag before the day ends e marami pang kapakinabangan for everyone. Kung maaga ka pumasok sa work e 'di maaga ka makakauwi and mahaba pa ang liwanag outdoors na puwede mo i-enjoy! Marami puwede gawin sa extra one hour in a day (although hindi naman talaga nagiging 25 hours a day hehe). Pero try to remember... nung nangyari yung September eleven tragedy, sa pagkakarinig ko, maraming nakaligtas din dahil sa maaga sila lumabas ng work because of DST. Kung nagkataon nagstay pa ang ilang mga workers sa WT ng one more hour (kung walang DST nun) e kasama sila sa namatay.

E, paano naman yung 'Where our hearts ride in a vehicle called time, we still couldn't see, we still couldn't touch'? Eh, line po yan ng nabubuong poem sa mind ko. Naisip ko kaninang madaling araw because of an inspiration. Ang happy ko talaga grabe! Para sa akin, time is not important... if I love yesterday, today or tomorrow... I already loved forevermore.

 

Post a Comment

<< Home