Saturday, May 12, 2007

Naglalayag

akala niyo na kung ano noh...


ibig pong sabihin niyan eh maglalayag na ang inyong lingkod kaya mawawala na naman po ako. punta kami ng guam, australia at malaysia. babalik kami dito sa japan by september. ilang buwan na naman po akong mawawala.

mamimiss niyo ba ako?


sige, paalam na muna...

hanggang sa muli!!!

Thursday, May 03, 2007

I miss my home, Las Vegas!

bago ako lumipad patungo sa "land of the rising sun", namasyal muna ako sa mga attractions ng vegas, heto mga video na kuha ko:

Bellagio Water Show


Sirens of Treasure Island

Ang Aking Kuarto


ang aking kuarto sa barracks namin dito sa japan.

Friday, April 27, 2007

Watch me as I defend the world

tang-ina ang pucha, hindi ako makapaniwala, sundalo na ako mga pare...tang-ina, navy pa! hindi talaga ako makapaniwala. kaya ako nawala ng ilang buwan sa blogspot kasi sa training ko. hindi niyo lang alam mga pinagdaanan ko maging part lang ng the world's greatest navy, ang "United States Navy". o diba, ang sosyal!!!

november 7 nang nagpaalam muna ako pansamantala dahil mawawala ako ng ilang buwan. bumalik ako sa san francisco para pumunta sa recruiter ko at ayusin ang dapat mga ayusin para ready na sa training ko sa great lakes, illinois. syet, hindi niyo lang alam noon, gusto ko ng umatras pero hindi puwede kasi nakasign-up na ako ng contract ko. ninerbiyos ako. pagkatapos ng ilang mga papeles na inayos eh ready na ako kasama ang isang pinoy na naging barkada ko na at isang vietnamese eh lumipad kami from san jose international airport papuntang great lakes. bababa ang plane namin sa o'hare sa chicago. anak ng puta, dun palang sa bus na sumundo sa amin papunta sa RTC, Great Lakes eh sinisigawan na kami ng mga officer, what the heck, anong kasalanan namin. kami na nga nagvolunteer to join the navy, the US armed forces eh kami pa ang pinapagalitan well i know part yun ng training pero baka di ko kayanin.

two months and three weeks din akong nagstay sa training. detailed sana ang ikukuwento ko sa inyo pero bawal eh. hindi ko puwede ikuwento lahat. basta, masaya ang training na mahirap pero maraming unforgettable experiences na hindi ko makakalimutan. nung january 29, 2007, lumabas na ako ng RTC, graduate ako nung january 26, iyakan to the max yan, akala ko ako lang iiyak, pati kano at itim na kadivision ko, kulang na lang balde!!! hindi niyo lang alam ang pakiramdam ko nung lumabas na kami sa base at sinundo kami para dalhin sa NSTC base kung saan kami mag-aaral ng napili naming course. culinary specialist ang napili ko. napakasaya ng feeling, nakawala rin kami sa preso kung saan kami nakulong ng ilang linggo. para akong bata na palingon-lingon sa paligid. ang saya ko talaga! ngayon, malaya na kami, magagawa na namin ang gusto naming gawin.

malaki ang base ng NSTC. maluwag! nakatira kami sa isang building which we called "ship". marami akong naging kaibigan at kung saan-saan na rin kami nakapasyal. one month ang schooling ng culinary specialist. then nung patapos na kami at sasabihin na kung saang mga navy station kami mapupunta. tang-ina, nakuha ko ang japan mga pare. kaya nandito na ako sa japan ngayon, dito sa atsugi. hindi ko makakalimutan nung araw na yon nung sinabi na ang mga station namin. sabi ng senior chief namin,

"(name ko), Helo Anti-submarine Squadron HS-14, Yokosuka, Japan!"
sumigaw ako ng,
"ay syet!"

hahaha, tumingin sa akin ang chief namin, kala ko maka-captain's mast na ako pero super saya ko. from my class, ako lang ang napunta dito kaya inggit na inggit mga kaibigan ko. dream ko kaya makapunta sa japan, lalo na sa tokyo disneyland hehehehe!

heto nga pala mga pics namin sa illinois:

Friday, February 09, 2007

I'm Back!

hi, bumalik na ako. wala ako masyado time na magblog so visit niyo na lang friendster ko para malaman niyo kung bakit ako umalis.

Huwag mo iclick!

Tuesday, November 07, 2006

Wala ko maisip na title!

hi, musta na mga avid readres ko? nakakasingit pa rin ako sa blog ko pero expect niyo starting tommorrow, wala na talaga ako. hindi niyo muna ako makikita. hindi niyo muna mababasa ang mga walang kakuwenta-kuwentang mga pinagsasabi ko dito. kinakabahan na nga ako para bukas. parang bang, its a matter of life and death..aba, ano kaya yon?!! hindi ko alam ang magiging kapalaran ko dun. siguro napapaisip na kayo kung saan ako pupunta. hindi ko muna sasabihin. basta para may suspense diba, parang texas chainsaw massacre: the beginning. pero hindi naman horror ang mangyayari sa akin, top gun nga eh. baka iniisip niyo na, na ako ang killer sa texas massacre na 'yon. hindi ko naman kaya 'yon noh?! at saka hindi naman ganun ang hitsura. ang pangit naman nun. malayong-malayo sa kaguapuhan ko, hahahaha! pang superman ako, mala brandon...basta, i forgot his surname!










ah, routh pala. yon pala ang surname ko este surname niya.

Saturday, November 04, 2006

Back here in San Francisco

hey, musta mga tol? heto ako, nakakasingit pa rin sa mundo ng sapot. actually, sa november 7 talaga ang temporary leave ko sa internet.

nandito pala ako ngayon sa california, san francisco to be exact or daly city yata dito, ewan ko. balik ako sa lugar kung saan una kong nakita ang america. ayoko na ngang bumalik dito kasi marami nagpapaalala sa akin. lalo na kagabi, nasa ranch 99 market ako sa daly city. hay naku, naalala ko, bumibili kami doon kasama ko ang papa ko at ang ASAWA niyang demonya, bwisit yun hindi pa lang mamatay!
napakaplastik...saksakan ng pagpapanggap. novena ng novena sa simbahan at dasal ng dasal, diyablo naman. sunog na sunog na ang kaluluwa niya sa impyerno, apog na nga lang eh!
whew, ang lamig dito sa sanfo. ang kapal ng fog, parang usok. parang may isang daang nagluluto ng bibingka sa part na 'to ng america. balik ako sa hilly side na 'to ng sanfo. sanay na ako sa straight plain ng las vegas. namimiss ko ang las vegas. gusto kong bumalik at magcasino hahahaha!

Wednesday, November 01, 2006

Hasson Marque...now signing off!

halla, wala na! wala ng atrasan 'to. mag-aabsent ako for awhile sa mundo ng sapot. syet mga tol, mamimiss ko kayo. ako, sigurado mamimiss niyo rin ako? ano ba kasi itong papasukin ko? baka hindi kayanin ng powers ko!!! bahala na. tignan na lang natin kung makauwi ako ng buhay hahahaha!

o, sige mga tol. hanggang dito na lang talaga tayo. babalikan ko kayong lahat next year. sana magkita-kita ulit tayo!

Monday, October 30, 2006

Umurong

kahapon at 2am, start na naman ng daylight saving time. uurong ng isang oras ang oras (ano ba yon!). so habang tinatype ko 'to ngayon at 3:03pm ngayon, dapat 4:03pm na. wala ako idea kung bakit nauso 'to. bakit kaya?

dahil first time sa buhay ko ang daylight saving time.....(hindi pala kasi inuso rin 'to ni cory aquino noong kapanahunan niya!), may mga tanong na pumasok sa utak ko at hanggang ngayon ay naglalaro pa rin sa aking matalinong isipan, tagu-taguan nga nilalaro nila, mamaya, patintero daw.

1. umurong din kaya ng isang oras ang buhay natin? so kung mamatay ka sana sa oras ng 5:00am (heart attack?) ngayon pero naabutan mo ang daylight saving time at 4:00am yon. naku, kung may plano kang manood ng porno, gawin mo na ng maaga. paano kaya ang may taning na ang buhay at sabihin sayong 3pm ka mamamatay pero magiging 2pm yon? sinong pakakasalanan natin, ang doktor o ang daylight saving time? siyempre may isang oras ka pa tapos may schedule ka dun pero hindi mo na nagawa...sayang?

2. sa mga night shift ang trabaho, babayaran kaya ng kompanya ang isang oras mo. naku, sayang din ang isang oras ha! kung $20/per hour ka, tatlong box na ng krispy kreme yon.

3. sa mga late night shows, til 2am ang show mo at pagdating ng 2am, balik sa 1am ang show mo. irererun kaya ang show mo?! paano pag live at nakalimutang itape..ipaulit kaya sa'yo. eh kung live show yun? lalo na kung live talk show, habulin mo na ang mga guest mong pauwi na at ulitin ang interview at kuwentuhan.

4. for an instance, may date kayo ng gf mo, kunwari anniversary. usapan niyo dinnertime, mga 8pm siguro. nakalimutan mong daylight saving time na at 9pm ka dumating. pagdating mo sa restaurant, namumuti na ang mata ng gf mo, bigla kang sinampal, inaway, pinagsalitahan ng masasakit at namutawi sa kanyang mapupulang bibig (nakalipstick ng shu uemura) ang mga katagang nagpalumo sa iyong katauhan, "break na tayo, futanesca ka!" sus, pakasalanan mo na ang daylight saving time!

yan ang mga mga katanungang naglalaro pa rin (piko naman ngayon ang nilalaro nila, turn na ni cerebrum) sa aking super talinong isipan. kayo, may isheshare ba kayo at kung bakit naimbento ang daylight saving time?

PAHABOL:
sa mga bumabasa nito ngayon, pagpasensyahan niyo na kung tama ako sa aking mga theory. kahit ako nalito sa mga sinasabi ko.

I'm crazy about this song...somebody help me!

hey, anybody here seen the movie, "First Daughter" by katie holmes and marc blucas?

Image Hosting by PictureTrail.com

sinaliksik ko na ang sapot hanggang sa kaliit-liitang detalye nito at kahit limewire, wala pa rin akong makuhang kasagutan. naiinis na ako. gusto ko lang naman makuha kahit mp3 nito, lyrics at sino ang kumanta nito pero wala ako makuha talaga. napakamisteryoso naman ng kanta na 'to. hindi ko makuha ang title kahit hulaan ko pa. kayo alam niyo ba 'to?


la, la, la, la, la, la
(talagang may lalalala pa noh?!)
life can pass so fast
like driving with your foot on the gas
hoping to catch you, i dont know
where is it going today?
la, la, la, la, la, la
(lalala ulit, who knows baka sa lalalala eh matulungan niyo ako)

sana matulungan niyo ako sa problema kong 'to. parang awa niyo na!!! baka mamaya, life ko na ang magpass pag hindi niyo ko matulungan!

I miss Manila!

kala ko naman kung taga-Manila ako.

guys, ganda ng video na 'to. promote natin ang Manila. R&B pa 'to. mas maganda magpromote ng tourism to the tune of danceable hits hindi gaya ng mala-Enya.


Manila by Amber


(Take me back to the place I love
Take me back to the place I love, uhuh uhuh huh
Take me back to the place I love
Take me back to the place I love, uhuh uhuh)

I remember when were kids
Having barbeques in the bukid
When the brownouts came, we were never alone
We just played in the streets till the lights came on
Six o'clock in the mornin'
Bakery just opened
We can smell the bread, it was cooking from a mile away
Ain't nothing like a fresh piece to start your day in...

Manila (Manila, Manila)
I'm comin' back to Manila
(The only place that I call home, home)
I'm comin' back to...
Manila (Manila, Manila)
I'm comin' back to Manila
(The only place that I call home, home)

Signal to the jeepney (pick me up)
Take me to the place where (I grew up)
Back to the kids in the park where we played all day
Some had a shed for a home but it was all okay
'Cause in Manila, we're all the same
Everybody's waiting for things to change
In the barrio, that's how it is
We didn't care much 'cause we were kids, oh

(Manila, Manila)
I'm comin' back to Manila
(The only place that I call home, home)
I'm comin' back to...
Manila (Manila, Manila)
I'm comin' back to Manila
(The only place that I call home, home)

RAP
I've been gone for a minute but I'm on the next flight
And the plane man says we can make it by night
Can't wait to touch down in my old hometown
Had a girl, we used to kick it but I doubt she's still around, yoh
It's all good 'cause I'm back in the jungle
Where the girls in bikinis all come in a bundle
And pain and poverty is everywhere
But when the smoke all clears, it's only love in the air
I've been gone too long
Gone too long
I'm comin' home (comin' back to the place I love)
Gone too long
I'm comin' home (comin' back to the place I love)
I'm comin' back to Manila

Yo yo yo yo
I say, babalik ako sa Manila, Manila
Babalik ako sa Manila, Manila
Babalik ako sa Manila, Manila
Babalik ako, babalik ako, babalik
Babalik ako sa Manila, Manila
Babalik ako sa Manila, Manila
Babalik ako sa Manila, Manila
Babalik ako, babalik ako, babalik

I'm comin' home (Manila, Manila, Manila, Manila)
I'm comin' back to Manila (comin' back to the place I love)
I'm comin' back to Manila (Manila, Manila, Manila, Manila)
I'm comin' back to Manila (comin' back to the place I love)
(Manila, Manila, Manila, Manila, Manila)
(Comin' back to the place I love)
Comin' back to the place I love
Comin' back to the place I love
Comin' back to the place I love




puwede na ba akong secretary ng DOT!

Friday, October 27, 2006

Hasson Marque...signing off soon...for awhile!

naku, hindi ko napapansin mga dumadaan na araw. malapit na pala akong mawala ng pansamantala sa mundo ng sapot. walong linggo din yon at baka mas tumagal pa (hindi naman sana), o mas maikli (sana nga)! mamimiss ko ang internet. mamimiss ko ang friendster. ilang linggo kong hindi mabubuksan. baka milyon na ang nasa inbox ko, friend requests at testimonials lalo na ngayon dumadami ang fans ko all over the world dahil sa blog ko na 'to. mamimiss ko ang ym, walang chat. mamimiss ang mga forum sites kung saan ako active na active, ang ssc at pex. at mas lalong mamiss ko ang blog ko. baka may comments, baka may new posts sa chat box. at siyempre mamimiss ko ang mga fans ko. hindi ako makakapag-update ng ilang linggo.
oh my golly, ano ba kasi itong papasukin ko! hindi ko muna sasabihin sa inyo ha. pagbalik ko, malalaman niyo din at sana bumalik ako ng buhay, hahaha!

wish me luck na lang mga pare ko!

PS.
hindi pa ako magpapaalam ngayon kasi hindi pa ako mawawala. ilang days pa.

Soap Dick!

Image Hosting by PictureTrail.com

somebody forwarded this funny picture in my email. kung nakatalikod kaya yan, anong lalabas?

Thursday, October 26, 2006

Pribado, walang titingin!

naiinis ako pag may friendster profile akong bino-view then set to private pala, yon bang limited lang.

Access to Chuva's full
profile is limited to
Friendster members to
whom Chuva is closely
connected.



nag-friendster ka pa kung ayaw mo din ipakita sa mundo ang buhay mo o kung ano bang itatawag natin diyan. kaartehan ng mga 'to! unfair naman kayo. sarap na sarap kayo sa pagviview sa public account ng iba, enjoy na enjoy sa katitingin ng mga pics at pagbabasa ng mga testimonials sa kanila then kayo naka-private.

HMP!

kaya siguro nakalimited account niyo, may tinatago kayong chu-chu!

Finding Omen?

is disney's finding nemo has something to do with the 1976 satanic movie, the omen? is it the sixth sequel of this movie about the demon child that wants to rule the earth and spread his powers? well, i'm always watching my finding nemo dvd because thats only way to please my 1 year old niece when she's having tantrums. i came across this observation, because, try to read N-E-M-O in backwards, what will you get, O-M-E-N. the omen is a movie about a small five years old boy who is actually the demon's son. and finding nemo is a movie for kids that is so famous now. small boys and girls and even adults just love him.

Image Hosting by PictureTrail.com

well, just my wild imagination..or i mean, my wild observation!

Monday, October 23, 2006

Pinakasikat na caption sa picture, Wala Lang!

alam niyo ba pinakasikat at pinakagasgas na caption sa mga picture na nakikita niyo sa friendster?

Image Hosting by PictureTrail.com


WALA LANG


o diba? ano kayang ibig sabihin nila diyan? nakatunganga sa pic, wala lang! nakasmile sila, wala lang. nakapose sila sa cam, wala lang, may nakasimangot, wala lang. may kasama sa pic, wala lang. kasama ang girlfriend, wala lang. kasama ang boyfriend, wala lang, kasama ang lola, wala lang, kasama ang alaga, wala lang. nasa tabi ng park, wala lang, nasa gilid ng kalsada, wala lang. eh kung patayin ko kaya kayong lahat na nagpopost ng ganun, masasagot niyo pa ba ako ng

"Wala lang!"


puwede niyo namang ilagay na, im with my bf, im with my gf, im with my mom, im in the park,o kaya huwag niyo ng lagyan ng caption kasi ako sawang-sawa na nagbabasa ng salitang yan, ayaw ko na ngang sabihin or marinig eh. ilang milyong beses ko ng nababasa ang imortal na salitang yan lalo nasa friendster. ang masasabi ko lang sa inyo kung bakit ko naoobserve yon kasi,

"WALA LANG!"

Sunday, October 22, 2006

One month to go, Semana Santa na!

isang buwan na lang, sisintensyahan na ako, huhuhuhu!

Saturday, October 21, 2006

Dumadami ang fans!!!

may map tracker ako kung sino mga bumibisita sa blog ko. aba, may taga-malaysia pa (baka akala nila ako si jericho rosales), somewhere in europe (may blog si prince william!) at marami na rin dito sa america (nagtatagalog si brad pitt?). pansin ko, lumalaki ang red ball sa bandang vegas. sino kaya nagvivisit?

Image Hosting by PictureTrail.com

ako pala, araw-araw kong chenicheck!!!


PAHABOL:
may from middle east pa, baka binabasa na ni osama bin laden ang blog ko, baka sabi niya sa picture ko,

"HANG-CUTE NAMAN ITECH, LIKE KO SIYA! MAKA-FLY NGA AKETCH SA YO-ES TO MEET HIM!"

Uso ang remake!

addict ako ngayon sa mga remake movies, pinagcocompare ko kasi kung ano mas maganda. kanonood ko lang ngayon ng the hills have eyes at remake din pala yon. kahapon naman, the omen 2006 ang pinanood ko. kailan lang eh pinanood ko ang apat na dvds ng original the omen. parehong magaganda pero ang original charlie and the chocolate factory eh isusuka mo sa pangit ng kuwento at props. oo nga kasi luma na yon pero pag icompare mo sa new version nito, ang ganda ng bago!

kahit sa atin, nauso na ang remake. gulong ng palad at balak daw iremake ang mara clara. pati movies ginagawan na ng soap drama, dati, soap drama ang ginagawang movies. natawa ako sa post dati sa isang forum site. balak daw iremake ang remake ng gulong ng palad, hahahahaha!

Bring the house down!

kapit-bahay naming mga tsekwa (chinese), sinusumpa ko! (walang magagalit saking intsik ha!) paano ba naman kasi, everytime na buksan at isara nila ang pintuan nila, talagang pabagsak. yong bang halos masira na ang pintuan nila at magigiba na ang building namin. wala pa akong matandaang gently silang magbukas at magsara. napanood ko ang mga mano po movies, hindi ko naman nakitang nagbagsak ng pintuan si zsazsa at si kris aquino?! ganon ba talaga ang mga intsik para daw lumabas ang malas. dapat sa banyo lang nila gawin yon para lumabas talaga ang masasamang kamalasan pagkatapos nilang gumamit nito.

Image Hosting by PictureTrail.com

hindi na ako magtataka kung isang araw wala na silang pintuan!

Monday, October 16, 2006

PHINESS: ang Pinoy version ng Guiness...palakihan...pahabaan!

mula ng nauso ang Guiness na 'yan, mga Pinoy na-adik na sa pahabaan, palakihan, ano pa. biggest shoe in the world ng marikina, hindi naman mukhang sapatos. hanggang nagkasunod-sunod na. may gumawa ng biggest strawberry cake sa benguet, largest vegetable salad sa baguio (yearly ginagawa, hindi naman napapansin ng Guiness), biggest hamburger, longest mat, longest longganisa, longgest suman, biggest bibingka, longest banderitas, longest bangus grill, longest eggplant grill, longest barbecue grill, what else?! lahat na ng palakihan at pahabaan eh ginawa na, pero nasa Guiness ba tayo? wala naman diba?! nagsasayang lang sila ng pera at nagpapagod lang sila. like the biggest puto...bat ka gagawa ng international appreciation sa isang local product. kumakain ba at alam ba ng mga europeans ang puto at kung makuha man natin ang title eh hihigitan din nila yun at gagawa din sila ng largest at biggest puto nila. longest longganisa, may longganisa ba sa america? dapat longest sausage. longest suman, may suman ba sa italy at para gumawa din sila ng longest suman nila para makuha nila title natin? biggest kakanin, my God, may kakanin ba sa South America? lalo nasa longest grill, kinakalaban ng pinoy ang sarili niya. nauna ang bangus ng dagupan, sumunod ang barbecue ng cebu, sumunod ulit ang eggplant grill ng villasis. anong susunod, longest tuna grill naman ng general santos city?

ang nangyayari sa atin eh, nag-guguiness tayo sa saring bakuran natin. gumawa na lang tayo ng philippine version ng guiness, tawagin nating "PHINESS", hahahaha! hinihigitan natin ang kapwa nating pilipino. its a scenario na masasabi nating, wala talaga tayong unity. crab mentality talaga tayo! isa lang ang gusto kong makita sa Guiness:

New First World and Most Powerful Country
PHILIPPINES


kaguiness-guiness talaga yan!

Saturday, October 14, 2006

A Movie To Remember

A Walk To Remember is one of my favorite movie. I really, really love the plot. Until now, naiiyak pa rin ako pag naalala ko si Jaime Elizabeth Sullivan at Landon Carter. Ganitong plot ang gusto ko sa mga love story, mamamatay ang isa. Kasi diyan mo lang malalaman kung ang minahal mo ay mahal ka nga niya talaga. Na kahit namatay ka na, ikaw pa rin ang mahal niya at mamahalin niya hanggang magkita ulit kayo sa langit. di'ba ang sweet? kaya nga nahooked ako sa mga korean dramas lalo na ang endless love series kasi ganyan ang plot nila. lalo na sa ending ng a walk to remember, dun talaga ako naiyak. nung nasa river yata si landon at sabi niya, "jaime saves my life, i always missed her, but her love is like a wind, i can't see it, but i can feel it."

here's the OST video of A Walk To Remmember, sang by Mandy Moore.



credits to: DiLuaLovegood of www.youtube.com