Monday, October 30, 2006

Umurong

kahapon at 2am, start na naman ng daylight saving time. uurong ng isang oras ang oras (ano ba yon!). so habang tinatype ko 'to ngayon at 3:03pm ngayon, dapat 4:03pm na. wala ako idea kung bakit nauso 'to. bakit kaya?

dahil first time sa buhay ko ang daylight saving time.....(hindi pala kasi inuso rin 'to ni cory aquino noong kapanahunan niya!), may mga tanong na pumasok sa utak ko at hanggang ngayon ay naglalaro pa rin sa aking matalinong isipan, tagu-taguan nga nilalaro nila, mamaya, patintero daw.

1. umurong din kaya ng isang oras ang buhay natin? so kung mamatay ka sana sa oras ng 5:00am (heart attack?) ngayon pero naabutan mo ang daylight saving time at 4:00am yon. naku, kung may plano kang manood ng porno, gawin mo na ng maaga. paano kaya ang may taning na ang buhay at sabihin sayong 3pm ka mamamatay pero magiging 2pm yon? sinong pakakasalanan natin, ang doktor o ang daylight saving time? siyempre may isang oras ka pa tapos may schedule ka dun pero hindi mo na nagawa...sayang?

2. sa mga night shift ang trabaho, babayaran kaya ng kompanya ang isang oras mo. naku, sayang din ang isang oras ha! kung $20/per hour ka, tatlong box na ng krispy kreme yon.

3. sa mga late night shows, til 2am ang show mo at pagdating ng 2am, balik sa 1am ang show mo. irererun kaya ang show mo?! paano pag live at nakalimutang itape..ipaulit kaya sa'yo. eh kung live show yun? lalo na kung live talk show, habulin mo na ang mga guest mong pauwi na at ulitin ang interview at kuwentuhan.

4. for an instance, may date kayo ng gf mo, kunwari anniversary. usapan niyo dinnertime, mga 8pm siguro. nakalimutan mong daylight saving time na at 9pm ka dumating. pagdating mo sa restaurant, namumuti na ang mata ng gf mo, bigla kang sinampal, inaway, pinagsalitahan ng masasakit at namutawi sa kanyang mapupulang bibig (nakalipstick ng shu uemura) ang mga katagang nagpalumo sa iyong katauhan, "break na tayo, futanesca ka!" sus, pakasalanan mo na ang daylight saving time!

yan ang mga mga katanungang naglalaro pa rin (piko naman ngayon ang nilalaro nila, turn na ni cerebrum) sa aking super talinong isipan. kayo, may isheshare ba kayo at kung bakit naimbento ang daylight saving time?

PAHABOL:
sa mga bumabasa nito ngayon, pagpasensyahan niyo na kung tama ako sa aking mga theory. kahit ako nalito sa mga sinasabi ko.

I'm crazy about this song...somebody help me!

hey, anybody here seen the movie, "First Daughter" by katie holmes and marc blucas?

Image Hosting by PictureTrail.com

sinaliksik ko na ang sapot hanggang sa kaliit-liitang detalye nito at kahit limewire, wala pa rin akong makuhang kasagutan. naiinis na ako. gusto ko lang naman makuha kahit mp3 nito, lyrics at sino ang kumanta nito pero wala ako makuha talaga. napakamisteryoso naman ng kanta na 'to. hindi ko makuha ang title kahit hulaan ko pa. kayo alam niyo ba 'to?


la, la, la, la, la, la
(talagang may lalalala pa noh?!)
life can pass so fast
like driving with your foot on the gas
hoping to catch you, i dont know
where is it going today?
la, la, la, la, la, la
(lalala ulit, who knows baka sa lalalala eh matulungan niyo ako)

sana matulungan niyo ako sa problema kong 'to. parang awa niyo na!!! baka mamaya, life ko na ang magpass pag hindi niyo ko matulungan!

I miss Manila!

kala ko naman kung taga-Manila ako.

guys, ganda ng video na 'to. promote natin ang Manila. R&B pa 'to. mas maganda magpromote ng tourism to the tune of danceable hits hindi gaya ng mala-Enya.


Manila by Amber


(Take me back to the place I love
Take me back to the place I love, uhuh uhuh huh
Take me back to the place I love
Take me back to the place I love, uhuh uhuh)

I remember when were kids
Having barbeques in the bukid
When the brownouts came, we were never alone
We just played in the streets till the lights came on
Six o'clock in the mornin'
Bakery just opened
We can smell the bread, it was cooking from a mile away
Ain't nothing like a fresh piece to start your day in...

Manila (Manila, Manila)
I'm comin' back to Manila
(The only place that I call home, home)
I'm comin' back to...
Manila (Manila, Manila)
I'm comin' back to Manila
(The only place that I call home, home)

Signal to the jeepney (pick me up)
Take me to the place where (I grew up)
Back to the kids in the park where we played all day
Some had a shed for a home but it was all okay
'Cause in Manila, we're all the same
Everybody's waiting for things to change
In the barrio, that's how it is
We didn't care much 'cause we were kids, oh

(Manila, Manila)
I'm comin' back to Manila
(The only place that I call home, home)
I'm comin' back to...
Manila (Manila, Manila)
I'm comin' back to Manila
(The only place that I call home, home)

RAP
I've been gone for a minute but I'm on the next flight
And the plane man says we can make it by night
Can't wait to touch down in my old hometown
Had a girl, we used to kick it but I doubt she's still around, yoh
It's all good 'cause I'm back in the jungle
Where the girls in bikinis all come in a bundle
And pain and poverty is everywhere
But when the smoke all clears, it's only love in the air
I've been gone too long
Gone too long
I'm comin' home (comin' back to the place I love)
Gone too long
I'm comin' home (comin' back to the place I love)
I'm comin' back to Manila

Yo yo yo yo
I say, babalik ako sa Manila, Manila
Babalik ako sa Manila, Manila
Babalik ako sa Manila, Manila
Babalik ako, babalik ako, babalik
Babalik ako sa Manila, Manila
Babalik ako sa Manila, Manila
Babalik ako sa Manila, Manila
Babalik ako, babalik ako, babalik

I'm comin' home (Manila, Manila, Manila, Manila)
I'm comin' back to Manila (comin' back to the place I love)
I'm comin' back to Manila (Manila, Manila, Manila, Manila)
I'm comin' back to Manila (comin' back to the place I love)
(Manila, Manila, Manila, Manila, Manila)
(Comin' back to the place I love)
Comin' back to the place I love
Comin' back to the place I love
Comin' back to the place I love




puwede na ba akong secretary ng DOT!

Friday, October 27, 2006

Hasson Marque...signing off soon...for awhile!

naku, hindi ko napapansin mga dumadaan na araw. malapit na pala akong mawala ng pansamantala sa mundo ng sapot. walong linggo din yon at baka mas tumagal pa (hindi naman sana), o mas maikli (sana nga)! mamimiss ko ang internet. mamimiss ko ang friendster. ilang linggo kong hindi mabubuksan. baka milyon na ang nasa inbox ko, friend requests at testimonials lalo na ngayon dumadami ang fans ko all over the world dahil sa blog ko na 'to. mamimiss ko ang ym, walang chat. mamimiss ang mga forum sites kung saan ako active na active, ang ssc at pex. at mas lalong mamiss ko ang blog ko. baka may comments, baka may new posts sa chat box. at siyempre mamimiss ko ang mga fans ko. hindi ako makakapag-update ng ilang linggo.
oh my golly, ano ba kasi itong papasukin ko! hindi ko muna sasabihin sa inyo ha. pagbalik ko, malalaman niyo din at sana bumalik ako ng buhay, hahaha!

wish me luck na lang mga pare ko!

PS.
hindi pa ako magpapaalam ngayon kasi hindi pa ako mawawala. ilang days pa.

Soap Dick!

Image Hosting by PictureTrail.com

somebody forwarded this funny picture in my email. kung nakatalikod kaya yan, anong lalabas?

Thursday, October 26, 2006

Pribado, walang titingin!

naiinis ako pag may friendster profile akong bino-view then set to private pala, yon bang limited lang.

Access to Chuva's full
profile is limited to
Friendster members to
whom Chuva is closely
connected.



nag-friendster ka pa kung ayaw mo din ipakita sa mundo ang buhay mo o kung ano bang itatawag natin diyan. kaartehan ng mga 'to! unfair naman kayo. sarap na sarap kayo sa pagviview sa public account ng iba, enjoy na enjoy sa katitingin ng mga pics at pagbabasa ng mga testimonials sa kanila then kayo naka-private.

HMP!

kaya siguro nakalimited account niyo, may tinatago kayong chu-chu!

Finding Omen?

is disney's finding nemo has something to do with the 1976 satanic movie, the omen? is it the sixth sequel of this movie about the demon child that wants to rule the earth and spread his powers? well, i'm always watching my finding nemo dvd because thats only way to please my 1 year old niece when she's having tantrums. i came across this observation, because, try to read N-E-M-O in backwards, what will you get, O-M-E-N. the omen is a movie about a small five years old boy who is actually the demon's son. and finding nemo is a movie for kids that is so famous now. small boys and girls and even adults just love him.

Image Hosting by PictureTrail.com

well, just my wild imagination..or i mean, my wild observation!

Monday, October 23, 2006

Pinakasikat na caption sa picture, Wala Lang!

alam niyo ba pinakasikat at pinakagasgas na caption sa mga picture na nakikita niyo sa friendster?

Image Hosting by PictureTrail.com


WALA LANG


o diba? ano kayang ibig sabihin nila diyan? nakatunganga sa pic, wala lang! nakasmile sila, wala lang. nakapose sila sa cam, wala lang, may nakasimangot, wala lang. may kasama sa pic, wala lang. kasama ang girlfriend, wala lang. kasama ang boyfriend, wala lang, kasama ang lola, wala lang, kasama ang alaga, wala lang. nasa tabi ng park, wala lang, nasa gilid ng kalsada, wala lang. eh kung patayin ko kaya kayong lahat na nagpopost ng ganun, masasagot niyo pa ba ako ng

"Wala lang!"


puwede niyo namang ilagay na, im with my bf, im with my gf, im with my mom, im in the park,o kaya huwag niyo ng lagyan ng caption kasi ako sawang-sawa na nagbabasa ng salitang yan, ayaw ko na ngang sabihin or marinig eh. ilang milyong beses ko ng nababasa ang imortal na salitang yan lalo nasa friendster. ang masasabi ko lang sa inyo kung bakit ko naoobserve yon kasi,

"WALA LANG!"

Sunday, October 22, 2006

One month to go, Semana Santa na!

isang buwan na lang, sisintensyahan na ako, huhuhuhu!

Saturday, October 21, 2006

Dumadami ang fans!!!

may map tracker ako kung sino mga bumibisita sa blog ko. aba, may taga-malaysia pa (baka akala nila ako si jericho rosales), somewhere in europe (may blog si prince william!) at marami na rin dito sa america (nagtatagalog si brad pitt?). pansin ko, lumalaki ang red ball sa bandang vegas. sino kaya nagvivisit?

Image Hosting by PictureTrail.com

ako pala, araw-araw kong chenicheck!!!


PAHABOL:
may from middle east pa, baka binabasa na ni osama bin laden ang blog ko, baka sabi niya sa picture ko,

"HANG-CUTE NAMAN ITECH, LIKE KO SIYA! MAKA-FLY NGA AKETCH SA YO-ES TO MEET HIM!"

Uso ang remake!

addict ako ngayon sa mga remake movies, pinagcocompare ko kasi kung ano mas maganda. kanonood ko lang ngayon ng the hills have eyes at remake din pala yon. kahapon naman, the omen 2006 ang pinanood ko. kailan lang eh pinanood ko ang apat na dvds ng original the omen. parehong magaganda pero ang original charlie and the chocolate factory eh isusuka mo sa pangit ng kuwento at props. oo nga kasi luma na yon pero pag icompare mo sa new version nito, ang ganda ng bago!

kahit sa atin, nauso na ang remake. gulong ng palad at balak daw iremake ang mara clara. pati movies ginagawan na ng soap drama, dati, soap drama ang ginagawang movies. natawa ako sa post dati sa isang forum site. balak daw iremake ang remake ng gulong ng palad, hahahahaha!

Bring the house down!

kapit-bahay naming mga tsekwa (chinese), sinusumpa ko! (walang magagalit saking intsik ha!) paano ba naman kasi, everytime na buksan at isara nila ang pintuan nila, talagang pabagsak. yong bang halos masira na ang pintuan nila at magigiba na ang building namin. wala pa akong matandaang gently silang magbukas at magsara. napanood ko ang mga mano po movies, hindi ko naman nakitang nagbagsak ng pintuan si zsazsa at si kris aquino?! ganon ba talaga ang mga intsik para daw lumabas ang malas. dapat sa banyo lang nila gawin yon para lumabas talaga ang masasamang kamalasan pagkatapos nilang gumamit nito.

Image Hosting by PictureTrail.com

hindi na ako magtataka kung isang araw wala na silang pintuan!

Monday, October 16, 2006

PHINESS: ang Pinoy version ng Guiness...palakihan...pahabaan!

mula ng nauso ang Guiness na 'yan, mga Pinoy na-adik na sa pahabaan, palakihan, ano pa. biggest shoe in the world ng marikina, hindi naman mukhang sapatos. hanggang nagkasunod-sunod na. may gumawa ng biggest strawberry cake sa benguet, largest vegetable salad sa baguio (yearly ginagawa, hindi naman napapansin ng Guiness), biggest hamburger, longest mat, longest longganisa, longgest suman, biggest bibingka, longest banderitas, longest bangus grill, longest eggplant grill, longest barbecue grill, what else?! lahat na ng palakihan at pahabaan eh ginawa na, pero nasa Guiness ba tayo? wala naman diba?! nagsasayang lang sila ng pera at nagpapagod lang sila. like the biggest puto...bat ka gagawa ng international appreciation sa isang local product. kumakain ba at alam ba ng mga europeans ang puto at kung makuha man natin ang title eh hihigitan din nila yun at gagawa din sila ng largest at biggest puto nila. longest longganisa, may longganisa ba sa america? dapat longest sausage. longest suman, may suman ba sa italy at para gumawa din sila ng longest suman nila para makuha nila title natin? biggest kakanin, my God, may kakanin ba sa South America? lalo nasa longest grill, kinakalaban ng pinoy ang sarili niya. nauna ang bangus ng dagupan, sumunod ang barbecue ng cebu, sumunod ulit ang eggplant grill ng villasis. anong susunod, longest tuna grill naman ng general santos city?

ang nangyayari sa atin eh, nag-guguiness tayo sa saring bakuran natin. gumawa na lang tayo ng philippine version ng guiness, tawagin nating "PHINESS", hahahaha! hinihigitan natin ang kapwa nating pilipino. its a scenario na masasabi nating, wala talaga tayong unity. crab mentality talaga tayo! isa lang ang gusto kong makita sa Guiness:

New First World and Most Powerful Country
PHILIPPINES


kaguiness-guiness talaga yan!

Saturday, October 14, 2006

A Movie To Remember

A Walk To Remember is one of my favorite movie. I really, really love the plot. Until now, naiiyak pa rin ako pag naalala ko si Jaime Elizabeth Sullivan at Landon Carter. Ganitong plot ang gusto ko sa mga love story, mamamatay ang isa. Kasi diyan mo lang malalaman kung ang minahal mo ay mahal ka nga niya talaga. Na kahit namatay ka na, ikaw pa rin ang mahal niya at mamahalin niya hanggang magkita ulit kayo sa langit. di'ba ang sweet? kaya nga nahooked ako sa mga korean dramas lalo na ang endless love series kasi ganyan ang plot nila. lalo na sa ending ng a walk to remember, dun talaga ako naiyak. nung nasa river yata si landon at sabi niya, "jaime saves my life, i always missed her, but her love is like a wind, i can't see it, but i can feel it."

here's the OST video of A Walk To Remmember, sang by Mandy Moore.



credits to: DiLuaLovegood of www.youtube.com

Friday, October 13, 2006

Am I ready?

i just turned 21 last september 19. and for me, turning 21 means responsibility: responsibility for myself, for you, for my family, for the people, for the country and for the whole world! ngek, sobra naman, ano yon lalaban akong presidente? bente uno anyos na ako, syet, matanda na ako! hehe... kasi pag 21 na, ang tingin ko matured na ang tao. matured ng kumilos at mag-isip. eh ako hindi matured, abnormal ako! isip-bata pa rin till now. ang hilig ko pa sa cartoons, anime, kid's stuff. ewan ko ba. pag nasa mall ako, natutuwa ako sa kid's section sa totoo lang. hindi ko maintindihan. siguro kasi isa lang akong anak. lumaki akong walang kalaro. nakakulong lang ako sa room ko noon with toys around me. kung makakasama niyo ako, matutuwa kayo sa akin!

about my birthday celebration. simple lang, cake, spaghetti and KFC. simple lang kasi magbirthday dito sa america. pero alam niyo ba kung anong dream ko? gusto ko pag 21st birthday ko na eh man's debut party ang gagawin ko. with 21 candles, 21 wines, 21 balloons, pero wala ng 21 roses, sobra naman kayo. then sa isang hotel ang party, bisita ko ang mga kaibigan ko at relatives ko. motiff ko eh silver blue. uniformed lahat ang damit. then may live bands pa. yon talaga ang dream ko. hindi naman na issue yon kasi may alam na akong case na ganun. masaya nga ang ganun, unique. bakit, babae lang ba ang may karapatang magdebut?! kami ding mga lalaki ha... tama na nga 'tong imagination ko!

21 dito sa america eh legal ka na. legal ka ng bumili ng alcohol drinks and cigarettes sa market. legal ka ng magcasino, mag-gamble, legal ka ng magstrip club, legal ka ng mag bar. kaya the night nung birthday ko, paul (my sister's friend) treat me to a strip club! ayun, naka formal attire ako. ganun pala dito sa america. sosyal ka dapat pag pumasok ka sa club. feeling ko tuloy nung nasa loob ako eh pulitiko ako galing sa pilipinas at isa pang gambling lord na inuubos ang kaban ng yaman dito sa las vegas. diba ganun naman ang pinapakita sa mga drama sa tv sa atin?! ang sesexy ng mga babaeng topless na nagsasayaw sa stage at nagsasayaw sa harapan mo pag umupo ka. lalapitan ka nila then magkukuwentuhan kayo. yayain ka ng, "want me to dance?" pag umu-oo ka, sasayaw na siya sa tabi mo then alam mo na mga puwede niyang gawin. at alam mo na rin mga ginawa ko hahahaha! naka-tatlo din ako, dalawang puti and isang black beauty. masaya din. nag-enjoy ako. i'm not gonna tell you the details. basta history na yon!

second night, nag disco bar naman kami ni paul. formal attire ulit. sa treasure island hotel kami. may mga kasama kaming barkada ni paul. kumain muna kami sa isang japanese bar that serves adobo sushi! sarap kamo! then third day, sa thryst kami sa wynn hotel. disco bar din, mas maganda dito, mas maluwag. ang dami kong ininom na liquor. pag-uwi ko bagsak katawan ko pero masaya ako.

Thursday, October 12, 2006

The Four Years II

hey, kukuwento ko naman ngayon ang mga moments ko nung 3rd year and 4th year ako!

first day of school, lahat nagulat sa pagdating ko. lahat nakatingin mula sa paa ko hanggang sa ulo ko. lumaki lahat ang mata. nagtaka, nag-isip, natulala! isang tanong lang ang nabasa ko sa isipan nila, "jason, bat ang sexy mo na?!"

nagulat ka rin no?! hehehe! kasi po nung vacation ko ng april and may, isa lang ang ginawa ko. diet, diet, diet and diet! bakit? ang taba ko kaya nung elementary at nung 1st at 2nd year high school ako. ngayong 3rd year ako, naging patpatin na ako. alam niyo kung anong reason bakit nagpapayat ako? sino ba naman ang gustong makipagsayaw sa j-s prom sa isang tabachoy?! diba nakakahiya? kaya ayun, talagang nagpapayat ako. teka nga, ituloy na nga natin pagkukuwento ko sa high school life ko.

third year high school..ahhmmm, ano ba masasabi ko? nasa star section pa rin ako. mas naging close kami nila charm, jose and fatima. nadagdagan pa mga kaclose ko. halos buong klase eh kaibigan ko na. dito na rin nagsimula ang isang practice na hindi mo inaasahang makikita sa isang star section, ang "kopyahan!". grabe, talamak ang kopyahan namin lalo na pag exam. lahat talaga eh, nagtutulungan. ang galing naming magtago at umarte, kunwari walang ginagawang kalokohan. pati ako napasama. ayokong bumagsak kasi lalo na sa math. hindi ko tuloy makakalimutan si generoso budeng, naging close kami kasi sa kanya ako nangongopya sa math. may kaunting utak kasi siya doon pero isa rin itong magaling mangopya. pero hindi lang naman ako kopya ng kopya, may inaasa rin sila sa akin. sa technology and home economics sila nangongopya sa akin kasi magaling ako sa drawing, yung bang isometric view, parallel view. ewan ko na kung anong tawag diyan pero ang galing ko talaga diyan! kung saan-saan nakakarating ang test paper ko pag exam na namin diyan. masaya naman ako kasi nakakatulong ako!

foundation day naman namin eh nakakahiya ang sinayaw namin. occupational dance kasi at fishermen ang napili namin. nakakasuka talaga noon. natatawa pa ako sa baklang dance instructor namin. may pasukat-sukat pa siya ng projection sa pagsayaw, wala namang kuwenta! bagsak tuloy eh natalo kami. syet, ayaw ko ng maalala ang sarili ko na pasayaw-sayaw na may buhat na bangka at fishnet, jeeeeeeezz! kadiri!

february, yan na. j-s prom month na. isa ako sa excited. representative kasi ako ng section namin. o diba, may kahihinatnan din ang pagpapapayat ko. ako tuloy napili nila, hehehe! masaya naman nung j-s prom, bongga! kala mo gathering ng mga elites at aristocrats!

fourth year, ayan na. isang year na lang college na ako. buo pa rin ang barkada. pero nag-away-away pala kami nung vacation ng third year pero nagkabati-bati nung fourth year na kami. masaya pa rin kami. ang dami naming bonding time kasi alam naming magkakahiwa-hiwalay na kami pag college na. lagi kaming nagpaparty, sa beach, sa friend's house, basta kahit saan. naalala ko pala, ako ang representative ng section namin sa Mr. Intrams, o diba! ang dami ko ngang nakuhang awards, Mr. Personality, Mr. Congeniality, Mr. Cyber Press Award, Mr. Photogenic, Mr. Talent, Voter's Choice, and of course nakuha ko ang title! hehehe, joke lang..basta, kasali ako sa contest noon.

foundation day namin, 1970's dance naman ang category ng mga 4th year. kaya nagpaka-Elvis kami. tignan mo sa video sa baba mga pics namin. ang ganda ng costume namin. mainit nga lang, nanglalagkit na kami sa tela ng damit na yon. pero natalo din kami. second place kami.

month of march, malalaman na kung sino ang mga gragraduate at hindi gragraduate. alam niyo kung saan ako, sa mga hindi gragraduate! hehehe, kakahiya but its true. bagsak kasi ang math ko. kasama ko si charm sa mga bagsak sa math. kakahiya, pinaparetest pa kami. then sumasama pa kami sa graduation practice eh alam naman naming di kami gragraduate! pero thanks God eh grumadweyt kami. kakahiya naman siguro kung nagkatotoo yon. syet, baka nagpakamatay na ako!

kaya pala shinare ko 'to kasi miss na miss ko mga hiskool barkadas ko. heto, gumawa pa ako ng video just for them! hope you enjoy watching it while listening to nick lachey's "what's left of me"

Right Here Waiting

This is one of my fave song and I want to share it with you. I just love the video too! Hope you like it. Enjoy!