Friday, April 27, 2007

Watch me as I defend the world

tang-ina ang pucha, hindi ako makapaniwala, sundalo na ako mga pare...tang-ina, navy pa! hindi talaga ako makapaniwala. kaya ako nawala ng ilang buwan sa blogspot kasi sa training ko. hindi niyo lang alam mga pinagdaanan ko maging part lang ng the world's greatest navy, ang "United States Navy". o diba, ang sosyal!!!

november 7 nang nagpaalam muna ako pansamantala dahil mawawala ako ng ilang buwan. bumalik ako sa san francisco para pumunta sa recruiter ko at ayusin ang dapat mga ayusin para ready na sa training ko sa great lakes, illinois. syet, hindi niyo lang alam noon, gusto ko ng umatras pero hindi puwede kasi nakasign-up na ako ng contract ko. ninerbiyos ako. pagkatapos ng ilang mga papeles na inayos eh ready na ako kasama ang isang pinoy na naging barkada ko na at isang vietnamese eh lumipad kami from san jose international airport papuntang great lakes. bababa ang plane namin sa o'hare sa chicago. anak ng puta, dun palang sa bus na sumundo sa amin papunta sa RTC, Great Lakes eh sinisigawan na kami ng mga officer, what the heck, anong kasalanan namin. kami na nga nagvolunteer to join the navy, the US armed forces eh kami pa ang pinapagalitan well i know part yun ng training pero baka di ko kayanin.

two months and three weeks din akong nagstay sa training. detailed sana ang ikukuwento ko sa inyo pero bawal eh. hindi ko puwede ikuwento lahat. basta, masaya ang training na mahirap pero maraming unforgettable experiences na hindi ko makakalimutan. nung january 29, 2007, lumabas na ako ng RTC, graduate ako nung january 26, iyakan to the max yan, akala ko ako lang iiyak, pati kano at itim na kadivision ko, kulang na lang balde!!! hindi niyo lang alam ang pakiramdam ko nung lumabas na kami sa base at sinundo kami para dalhin sa NSTC base kung saan kami mag-aaral ng napili naming course. culinary specialist ang napili ko. napakasaya ng feeling, nakawala rin kami sa preso kung saan kami nakulong ng ilang linggo. para akong bata na palingon-lingon sa paligid. ang saya ko talaga! ngayon, malaya na kami, magagawa na namin ang gusto naming gawin.

malaki ang base ng NSTC. maluwag! nakatira kami sa isang building which we called "ship". marami akong naging kaibigan at kung saan-saan na rin kami nakapasyal. one month ang schooling ng culinary specialist. then nung patapos na kami at sasabihin na kung saang mga navy station kami mapupunta. tang-ina, nakuha ko ang japan mga pare. kaya nandito na ako sa japan ngayon, dito sa atsugi. hindi ko makakalimutan nung araw na yon nung sinabi na ang mga station namin. sabi ng senior chief namin,

"(name ko), Helo Anti-submarine Squadron HS-14, Yokosuka, Japan!"
sumigaw ako ng,
"ay syet!"

hahaha, tumingin sa akin ang chief namin, kala ko maka-captain's mast na ako pero super saya ko. from my class, ako lang ang napunta dito kaya inggit na inggit mga kaibigan ko. dream ko kaya makapunta sa japan, lalo na sa tokyo disneyland hehehehe!

heto nga pala mga pics namin sa illinois:

1 Comments:

At 12:23 PM, Anonymous yatot said...

it's a good thing that you are back! mabuti naman at nalagpasan mo ang mga pagsuboko ng isang navy! buti ka pa nasa japan na! hehehe

 

Post a Comment

<< Home