Thursday, October 12, 2006

The Four Years II

hey, kukuwento ko naman ngayon ang mga moments ko nung 3rd year and 4th year ako!

first day of school, lahat nagulat sa pagdating ko. lahat nakatingin mula sa paa ko hanggang sa ulo ko. lumaki lahat ang mata. nagtaka, nag-isip, natulala! isang tanong lang ang nabasa ko sa isipan nila, "jason, bat ang sexy mo na?!"

nagulat ka rin no?! hehehe! kasi po nung vacation ko ng april and may, isa lang ang ginawa ko. diet, diet, diet and diet! bakit? ang taba ko kaya nung elementary at nung 1st at 2nd year high school ako. ngayong 3rd year ako, naging patpatin na ako. alam niyo kung anong reason bakit nagpapayat ako? sino ba naman ang gustong makipagsayaw sa j-s prom sa isang tabachoy?! diba nakakahiya? kaya ayun, talagang nagpapayat ako. teka nga, ituloy na nga natin pagkukuwento ko sa high school life ko.

third year high school..ahhmmm, ano ba masasabi ko? nasa star section pa rin ako. mas naging close kami nila charm, jose and fatima. nadagdagan pa mga kaclose ko. halos buong klase eh kaibigan ko na. dito na rin nagsimula ang isang practice na hindi mo inaasahang makikita sa isang star section, ang "kopyahan!". grabe, talamak ang kopyahan namin lalo na pag exam. lahat talaga eh, nagtutulungan. ang galing naming magtago at umarte, kunwari walang ginagawang kalokohan. pati ako napasama. ayokong bumagsak kasi lalo na sa math. hindi ko tuloy makakalimutan si generoso budeng, naging close kami kasi sa kanya ako nangongopya sa math. may kaunting utak kasi siya doon pero isa rin itong magaling mangopya. pero hindi lang naman ako kopya ng kopya, may inaasa rin sila sa akin. sa technology and home economics sila nangongopya sa akin kasi magaling ako sa drawing, yung bang isometric view, parallel view. ewan ko na kung anong tawag diyan pero ang galing ko talaga diyan! kung saan-saan nakakarating ang test paper ko pag exam na namin diyan. masaya naman ako kasi nakakatulong ako!

foundation day naman namin eh nakakahiya ang sinayaw namin. occupational dance kasi at fishermen ang napili namin. nakakasuka talaga noon. natatawa pa ako sa baklang dance instructor namin. may pasukat-sukat pa siya ng projection sa pagsayaw, wala namang kuwenta! bagsak tuloy eh natalo kami. syet, ayaw ko ng maalala ang sarili ko na pasayaw-sayaw na may buhat na bangka at fishnet, jeeeeeeezz! kadiri!

february, yan na. j-s prom month na. isa ako sa excited. representative kasi ako ng section namin. o diba, may kahihinatnan din ang pagpapapayat ko. ako tuloy napili nila, hehehe! masaya naman nung j-s prom, bongga! kala mo gathering ng mga elites at aristocrats!

fourth year, ayan na. isang year na lang college na ako. buo pa rin ang barkada. pero nag-away-away pala kami nung vacation ng third year pero nagkabati-bati nung fourth year na kami. masaya pa rin kami. ang dami naming bonding time kasi alam naming magkakahiwa-hiwalay na kami pag college na. lagi kaming nagpaparty, sa beach, sa friend's house, basta kahit saan. naalala ko pala, ako ang representative ng section namin sa Mr. Intrams, o diba! ang dami ko ngang nakuhang awards, Mr. Personality, Mr. Congeniality, Mr. Cyber Press Award, Mr. Photogenic, Mr. Talent, Voter's Choice, and of course nakuha ko ang title! hehehe, joke lang..basta, kasali ako sa contest noon.

foundation day namin, 1970's dance naman ang category ng mga 4th year. kaya nagpaka-Elvis kami. tignan mo sa video sa baba mga pics namin. ang ganda ng costume namin. mainit nga lang, nanglalagkit na kami sa tela ng damit na yon. pero natalo din kami. second place kami.

month of march, malalaman na kung sino ang mga gragraduate at hindi gragraduate. alam niyo kung saan ako, sa mga hindi gragraduate! hehehe, kakahiya but its true. bagsak kasi ang math ko. kasama ko si charm sa mga bagsak sa math. kakahiya, pinaparetest pa kami. then sumasama pa kami sa graduation practice eh alam naman naming di kami gragraduate! pero thanks God eh grumadweyt kami. kakahiya naman siguro kung nagkatotoo yon. syet, baka nagpakamatay na ako!

kaya pala shinare ko 'to kasi miss na miss ko mga hiskool barkadas ko. heto, gumawa pa ako ng video just for them! hope you enjoy watching it while listening to nick lachey's "what's left of me"

0 Comments:

Post a Comment

<< Home