Monday, September 18, 2006

Disney dream came true!

di kinaya ang mga araw na 'to sa buhay ko, sept. 13 to sept. 15, lalong-lalo na ang sept. 14, 2006. tatandaan niyo yan ha. paano ba naman kasi, nakita ko ang isa sa mga dream places na gusto kong mapuntahan, alam niyo kung ano. eh, disneyland lang naman...oo, disneyland lang!
bakasyon kasi ni ate jem kaya naisip niyang mamasyal kami sa disneyland sa anaheim pero matagal ng plano 'to. sept. 13, wednesday kami umalis from las vegas. four hours lang ang biyahe to buena park, california. dun kasi ang knott's berry farm resort hotel kung saan kami nakabooked. maraming cities na madadaanan papunta dun. barstow, baker (nandito ang world's largest thermometer), victorville, hesperia, marami pa. nawala kami nung malapit na kami sa hotel. nalito kami sa azusa avenue na yan, kung saan ang south, or west. hanggang nakarating kami sa west covina at nakita namin ang jollibee. nasa manila way/manila avenue ito. ang daming filipino stores doon. may goldilocks, bench, jollibee at lbc. kumain na kami sa jollibee. ang liit ng resto, parang isang kuarto lang. meron dito ang hindi mo kakayanin. alam mo ba na restroom nila dito eh may token. grabe, di ko kinaya yon. kala ko nasa pilipinas ako. pero sosyal naman, may coin slot sa door knob ng door at hindi mabubuksan yon kung wala quarter. sobra sila, mabuti hindi na lang sila nag-assigned ng tao doon at taga-kolekta ng coins tapos ipost nila na: pee-50 cents at poo-$1! pareho din mga products nila gaya sa pilipinas, may chicken joy, may pies, palabok, halo-halo, name it. pagkatapos nun, tumuloy na kami papuntang hotel. ang dami pa naming inikot. parang nasa liblib na parte na kami ng california.

sept. 14, 2006: yan na, matutupad na ang dream ko. 11:30am ang schedule ng free shuttle bus ng knott's going to disney. 6 miles ang layo. nung nabasa ko na sa mga road signs na, "disney drive", disneyland freeway". alam kong malapit na ako sa disney. then, bumaba na kami. medyo malamig pa ang weather. umaga pa kasi. imemeet namin dun si jenny, fiancee ng cousin ni kuya mike. siya ang bumili ng tickets namin kasi may discount pag south cali resident ka. ayun, nakita namin siya then pumasok na kami.

wow! park hopper ang ticket namin, $74 each. inuna namin ang disney california adventure park. ang laki ng park. ang daming attractions. sumakay kami ni kuya mike sa scream cam, halos mamatay ako dun. sumakay din kami ni ate jem sa sun's wheel at pinili ko pa ang swinging gondola. di ko expected na halos ibaligtad ka dun pag nagswiswing. sigaw ako ng sigaw ng "stop" sa taas, hehehe!

half of the day, pumasok na kami ng disneyland...ayan na, makikita ko na si mickey mouse! mas sumaya pa ako ng makita ko ang castle ni sleeping beauty hehehe! i remember my childish days! nag-ikot-ikot kami sa park. nagrides din kami. kumain ng famous mickey ice cream for $3.50 each. 5:30pm, we decided to leave the park. shuttle bus kasi will pick us at 6:00.
Image Hosting by PictureTrail.com
whew, its such a nice day that i will never forget. disneyland is indeed, "the happiest place on earth!"

0 Comments:

Post a Comment

<< Home