Friday, July 07, 2006

I'm a Korean drama addict!


Aaminin ko na isa ako sa milyon-milyong naaddict sa Korean drama or Asian drama. nag-start ito sa "Endless Love I/Autumn In My Heart". lagi na akong nanonood mula noon. maganda kasi ang korean dramas, less characters, beautiful locations and settings, ganda ng mga theme song (kahit di natin maintindihan, eh kinakanta natin) and of course, very nice plot. medyo nasad nga ako nung nalaman ko na hindi pala nagpapalabas ang TFC ng mga korean shows na napapanood natin sa ABS-CBN.

sa mga personal favorite ko eh ang apat na Endless Love series , pinakagusto ko para sakin ang Summer Scent , simple story yet captivating, very calm and very sad. Katatapos ko lang na pinanood sa YouTube ang fourth installment na Spring Waltz and for me, ang storyline nito ay parang pinaghalo ang three previous EL series. pag napanood mo ang tatlo, masasabi mo na maraming situations na kinuha from the three. well, pinag-iba lang nitong Spring Waltz, happy ending ang nangyari, hindi rin ito masyadong nakakaiyak. remember ko pa dati sa Autumn In My Heart na halos bawat episode nito, talagang iiyakan mo. another favorites ko ang Memories of Bali, Spring Day, All About Eve, Green Rose at My 19 Year Old Sister In Law.

hindi ko talaga pinalampas ang EL4 sa YouTube, sabi ko, "hindi ko na to mapapanood sa ABS, kaya tiisin ko na lang dito kahit may english caption." mas maganda kasi kung dubbed sa tagalog ang papanoorin mo, mas feel mo hehehe!

i've heard na sa September pa ang airing nito sa Pilipinas. masasabi ko lang sa mga korean drama followers like me, "You have to watch out for it, maganda talaga!"



...parang gusto ko tuloy magka-asawa ng Korean!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home