Wednesday, June 07, 2006

...just woke up..first thing to do...check my emails...why not? naka wi-fi ako at alam niyo ba na nakakanakaw ako ng connection sa kapitbahay kong chinese next door..kaya heto, 24/7 akong nakainternet, hehehe! anyway, heto lagi ang ginagawa ko early in the morning...ito na ang pinakabreakfast ko...nagpapalipas ako ng gutom sa harap nitong notebook ko para pumayat-payat naman tayo..chubby ako dati diyan sa PI diba?! ngayon, nagkakafigure na...nagbubuhat ako ng 25 pounds dumb bells, hehehe! mahirap tumaba dito sa US eh, ang dami kasing tempting foods....at saka kahit saang bahay ka magpunta eh, pakakainin ka talaga...

june na pala diyan sa atin...oh my, remember ko na naman ang hazzles ng mga students na pumapasok gaya ko before...parang ayaw ko ng maalala yun...umuulan, nakapayong ka, sasakay ka ng triciycle na kahit balot na ng mga plastics eh mababasa ka pa rin, dagdag pa diyan ang mga kalawang na kailangan mong iwasan...same with the public buses din na pag ganyang umuulan eh, sakay ng sakay ng pasahero hanggang mag mukha kayong sardinas sa loob at makakaamoy ka pa ng iba't-ibang klase ng pabango...may johnson and johnson baby cologne, may amoy baby powder, may amoy ng di naligo, may amoy sigarilyo, may amoy ng nabulok na bunganga (hindi na ngipin ang bulok), at dagdag pa diyan ang putok...eeooowww! i don't wanna remember those things...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home