Tuesday, June 06, 2006

Two months and counting...

Two months and counting...

march 27, april 27,may 27...two months na ako dito sa US...ano bang namimiss ko? pinoy foods? maybe, marami naman na kasing filipino market dito...nagulat nga ako, alam niyo ba pati bilo-bilo (tambotambong) dito eh meron..huwag ka dahil bilog na siya at frozen...ano kayang lasa nun?! namimiss ko ang taho..namimiss ko ang dinuguan (chocolate stew), namimiss ko ang dried fishes...namimiss ko ang fishball sa tabi-tabi..namimiss ko ang palamig..namimiss ko ang mangga na may alamang..namimiss ko lahat-lahat...yeah, may pinoy foods nga dito pero mas masarap kumain kung ang environment mo eh diyan satin...iba ang pakiramdam eh...

namimiss ko na pala ang mga korean dramas...hook na hook ako sa mga yun...paalis ako diyan eh Spring Day at Princess Lulu ang pinapanood ko...di ko alam kung anu nangyari dun...wala kasi sa TFC..ang pangit ng TFC..nirereplay ang mga shows, dapat huwag na lang at ipalabas ang mga korean...

natuto na akong maglaba machine wash...grabe, dati diko alam ang mga yun kahit mamalantsa...isang damit lang eh, it took me 3 hours to finish it..hehehe...baka sabihin niyo ang yabang ko eh kaya nga nauso ang blog sites eh para ilabas ng isang tao ang nasa saloobin niya..halla, nang away na ako...

pasensiya na ah, wala kasi akong magawa ngayon eh...ang init lumabas ngayon dito, 106 degrees daw ngayon eh kaya mainit dito..sige na...12:25pm na...lunch na...

1 Comments:

At 5:11 AM, Blogger Mr.Gary Supertron said...

supertronrandom.blogspot.com

 

Post a Comment

<< Home