Thursday, June 08, 2006

Dahil Ikaw

Sa piling ba niya ikaw ay
May lungkot na nararamdaman
Damdamin mo ba’y hindi maintindihan
At sa tuwing ako ang
Nasa iyong isipan
May nakita ka ba na ibang kasiyahan

Nandito lang ako
Naghihintay sa iyo
Na mapansin ang aking damdamin
Na para lang sa iyo

Dahil ikaw ang sigaw ng puso ko
Ikaw ang nasa isip ko
Ang nais ko ay malaman mo
Na ikaw ang tanging pangarap ng buhay
Pag-ibig ko sa iyo ibibigay
Nais ko ay malaman mo
Na mahal kita
Sa piling ba niya ikaw ay
May sakit na nararamdaman
Damdamin mo ba ay sinasaktan
At sa tuwing ako ang
Nasa iyong panaginip
Na tayong dalawa’y masayang magkapiling

Sana’y pagbigyan ang nadaramang ito
Sana masabi mo na mahal mo rin ako

Dahil ikaw ang sigaw ng puso ko
Ikaw ang nasa isip ko
Ang nais ko ay malaman mo
Na ikaw ang tanging pangarap ng buhay
Pag-ibig ko sa iyo ibibigay
Nais ko ay malaman mo
Na mahal kita (ikaw ang sigaw ng puso)
Na mahal kita (ikaw ang nasa isip ko)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home