Saturday, September 09, 2006

The Four Years I

nothing beats my four years in my highschool at Saint Mary's Academy. napakasaya talaga ng mga experiences ko dun. doon ko nakilala ang mga tunay kong kaibigan. naalala ko nung first year palang ako, baguhan. wala pa akong masyadong kakilala, walang masyadong kaibigan. parang nahihiya pa ako. kasi mga barkada at classmate ko nung elementary eh hindi ko na yata makikita. may mga pumasok din sa SMA pero ibang section na sila. pero yung iba naging kaklase ko rin. Pinakamagulong section sa first year ang section ko, Zinnia. grabe, ang gulo, ang ingay, ang dami kasing lalaki. lahat na yata ng magulo eh napunta sa section ko. pero isa ako sa matino ha, hindi ako gaya nila hehehehe! matino kasi isa din ako sa top noon. minsan nasa second ang rank ko, minsan nasa first, or third. pinakamsaya nung nasa first ako, siyempre ibang feeling nun. ikaw, pinakamatalino sa klase..to the highest level na yon pero ako nga ang pinakamataas, mahina naman ako sa math. buwisit na Math yan, naalala ko noon. may problem sa Math at walang makasagot na kaklase ko. tanong nung sir namin, "sino ang first sa inyo?". syet, sino daw! tinginan lahat ng mata sa akin. tang-ina...tumayo ako at pinapasagot sa akin ang problemang iyon na ayaw ko namang problemahin. ang sagot ko kay sir,---isang ngiti sabay sabing, "sir, di ko alam." hehehehe, katawa! hay, naku, magtanong na kayo sa akin about history, wag lang ang isinusumpa kong math na yan.

activity sa isang catholic school ang recollection. una ko tong marinig, wala akong idea kung ano ba 'to. recollection? anong kinokolek? tungkol daw sa pagpunta sa kumbento o kahit saang retreat house tapos may pari o madre na magbibigay ng lectures. ayun, nagrecollect kami sa siang retreat house sa rosario, an hour from our town. yon pala yun, tama nga. may madre na magtuturo ng kung anu-ano. hinding-hndi ko makakalimutan ang recollection na 'to. this is my first and yet unforgettable. lunch time, umatake at bumuwelta ang mga magugulo kong kaklase. nakita nila ang mini garden ng mga madre. nakakita ng isang malaking bunga ng papaya. ayun, pinitas! nalaman ng teacher namin, nagalit. pinauwi ang mga estudyante, kami. grabe kasi mga kaklase kong yun, lahat pinakikialaman. napahiya tuloy ang school sa insidenteng yon.

second year, napunta ako sa star section. wow, star section, matalino hehehehe! apat lang yata from my first year section ang nakapasok. bagong kaklase, bagong kaibigan. mas naging masaya ang stay ko dito. nakilala ko ang mga naging kaibigan ko at bestfriends ko sa high school. si jose, si charm, at si fatima. pero so jose ang una kong naging kaclose. isa ring maloko kasi at madaldal. nakatabi ko kasi siya noon at doon kami naging magkabigan, alam niyo kung paano? Pilipino ang subject noon, meron kaming pinag-uusapan habang nagkaklase. may hindi yata kami napagkasunduan at sinuntok ko siya ng pabiro. ayun, gumanti. gumanti din ako. ganunan kami ng ganunan hanggang hindi namin napansin na nakatingin na pala sa amin ang teacher namin. "hoy, kayong dalawa, lumabas kayo!" ayun, lagot! nang dahil sa akin, napalabas kami. pinapasok lang kami nung tapos na ang kaklase. dun nagsimula ang friendship namin (iyak na tayo!) ni jose.

masaya nung second year, lagi kaming top sa mga school activities kasi nga star section. dapat daw ganun. pag foundation day namin, may dance competition. lahat ng section, magkakalaban at per category. sa second year, ethnic jazz ang sa amin. parang ati-atihan at kung ano-ano pang may kinalaman sa ethnic. basta hapon na eh nagprapractice kami at kung saan-saan din kami nagprapractice. pumunta pa kami sa bahay nila domeng para magpractice at gumawa ng props but sadly hindi rin nakasali si domeng sa sayaw kasi nagkavehicular accident siya. hataw na hataw kami nung presentation na. iwagayway ang bandila ng mga star section. syet, hindi na inisip ang mga hitsura na puro pintura at bahag na costume, manalo lang. pero nanalo nga kami, ang prize, wala! ewan ko kung meron pero wala nga yata!

mga last quarter (nagsukat pa!) na yata nung naging kaclose ko si charm...iyak na tayo! ewan ko kung paano basta nakita ko na lang ang sarili ko na nakikipag-usap na sa kanya at nagkukuwento ng mga kalokohan..grabe, maloko pala ang babaeng 'to. di ko iniexpect. parehong-pareho kami ng takbo ng isip. mahirap ipaliwanag eh..basta, pag kami ang nagkasama, siguradong tatawa ang mga nasa paligid namin. pero hindi ako nagpapatawa ha. si charm ang joker at ako ang tagatawa. tapos, ako na ang tinatawanan ng mga tao. meron daw kakaiba sa pagtawa ko. grabe, hindi ito alam ng mga kamag-anak ko lalong-lalo na ang mama ko. si jason na tahimik sa bahay, loko-loko sa labas! kakaiba kasi ang mga jokes ni charmeria fatima abuan baslan
eh! nadadala niya ang mga tao, puwede siyang magsideline sa laffline o sa punchline, sa mga comedy bars pero ako lang yata nakakaintindi sa mga jokes niya. ang saya-saya talaga niyang kasama! (uy, charm, baka naiiyak ka na habang binabasa mo 'to!) itigil na nga muna natin.

itutuloy ko na lang sa susunod ang kuwento ko about my highschool life.
"High school life, oh my high school life,
Ev'ry memory kay ganda.
High school days, oh my high school days
Are exciting kay saya!"
napakanta ako ng song ni sharon cuneta. syet, kakadiri yang kanta na yan. super baduy, eeeeeeeeeeeee!

kuwento ulit ako next time, medyo marami pa.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home