Monday, October 16, 2006

PHINESS: ang Pinoy version ng Guiness...palakihan...pahabaan!

mula ng nauso ang Guiness na 'yan, mga Pinoy na-adik na sa pahabaan, palakihan, ano pa. biggest shoe in the world ng marikina, hindi naman mukhang sapatos. hanggang nagkasunod-sunod na. may gumawa ng biggest strawberry cake sa benguet, largest vegetable salad sa baguio (yearly ginagawa, hindi naman napapansin ng Guiness), biggest hamburger, longest mat, longest longganisa, longgest suman, biggest bibingka, longest banderitas, longest bangus grill, longest eggplant grill, longest barbecue grill, what else?! lahat na ng palakihan at pahabaan eh ginawa na, pero nasa Guiness ba tayo? wala naman diba?! nagsasayang lang sila ng pera at nagpapagod lang sila. like the biggest puto...bat ka gagawa ng international appreciation sa isang local product. kumakain ba at alam ba ng mga europeans ang puto at kung makuha man natin ang title eh hihigitan din nila yun at gagawa din sila ng largest at biggest puto nila. longest longganisa, may longganisa ba sa america? dapat longest sausage. longest suman, may suman ba sa italy at para gumawa din sila ng longest suman nila para makuha nila title natin? biggest kakanin, my God, may kakanin ba sa South America? lalo nasa longest grill, kinakalaban ng pinoy ang sarili niya. nauna ang bangus ng dagupan, sumunod ang barbecue ng cebu, sumunod ulit ang eggplant grill ng villasis. anong susunod, longest tuna grill naman ng general santos city?

ang nangyayari sa atin eh, nag-guguiness tayo sa saring bakuran natin. gumawa na lang tayo ng philippine version ng guiness, tawagin nating "PHINESS", hahahaha! hinihigitan natin ang kapwa nating pilipino. its a scenario na masasabi nating, wala talaga tayong unity. crab mentality talaga tayo! isa lang ang gusto kong makita sa Guiness:

New First World and Most Powerful Country
PHILIPPINES


kaguiness-guiness talaga yan!

3 Comments:

At 5:41 PM, Blogger Billycoy said...

tama ka nga dyan...

yan din yung iniisip ko noon pa. as if naman na merong mga ganung kakanin sa ibang bansa. mga taong ito mga timang din eh.

 
At 11:55 AM, Anonymous Vince said...

timang talaga, sinabi nyo pa....

 
At 4:06 PM, Blogger puklo said...

wow! cool! new first world and most powerful country. how i wish! :-)

very well said bro! galing ng entry na to. oo nga, lahat na lang gonawa ng pinoy pero ala effect pa rin. we cant deny the fact na may mga taong gumagawa ng desisyon, without pausing a while and thinking.. :-)


btw, nice blog bro..

 

Post a Comment

<< Home